How to increase Gscore in Gcash faster?
Kailangan mo ba ng pera at isa ang Gcash app sa gusto mong applyan ng loan ngunit mababa ang iyong Gscore para mag qualify sa loan? Huwag kang mag alala dahil sa post na ito ay ituturo ko kung paano mapataas ang Gscore or credit score sa gcash sa pinaka mabilis na paraan para maging qualified sa loan.
Isa ka rin ba sa mga matagal ng Gcash user pero hindi padin qualified sa Loan na kanilang inooffer? Ginawa mo na ang lahat pero wala padin? Subukan ang ilan sa mga tips sa post na ito para maincrease ang iyong gscore sa Gcash na mabilis.
Minsan talaga di natin maiwasan ang mashort sa budget, normal na siguro iyon lalo na't habang tumatagal ay pataas na nang pataas ang mga bilihin. Ang madalas na takbuhan ng mga taong gipit ay mga pautang sa kapit bahay, 5-6, bumbay at OLA, ngunit sa sobrang taas ng mga interest ay napapapikit mata nalang tanggapin ng pa utang. Isa din sa pinaka the best na utangan ay ang mga banko dahil sa mabababang interest rate at tagal ng payment terms tiyak ay hindi ka mapepressure sa pagbayad every month.
Karamihan ngayon ay may mga Gcash account na, ginagamit nila ito madalas sa pagbayad ng mga bills, pag buy ng load dahil may mga combo promos na available lang sa gcash at minsan ay ginagamit nila ang Gcash sa pag receive ng pera, imbis na sa bangko pa. Ang kinagandahan sa Gcash ay kahit sa mga sari sari store ay available na ang cash in at cash out, hassle free kung may ipapadala kang pera sa iyong mga kamag anak sa probinsya o sa mga malalayong lugar.
3 Loan features in Gcash
Hindi lamang buy load, pay bills or money transfer ang pwedeng gawin sa Gcash, dahil may mga bagong features ngayon ito na kung saan ay pwede silang mag offer ng pautang or loan na pwede mong gamiting pambayad ng bills, buy load, pang tayo ng business at iba pa, at ito ay ang mga sumusunod;
1. GCREDIT
- kung cash loan ang hanap mo pwedeng pwede itong gcredit sa iyo, dahil once na tumaas ang iyong gscore ay mas malaking chance na mag offer sayo ng loan ang Gcash, ang loan amount ay up to 30,000 pesos with 3% interest rate, pwedeng pwede itong pansimula ng maliit na business okaya naman ay pambayad ng mga expenses or bills.
2. GLOAN
- ang feature naman na ito ay cash loan din, ang pinagkaiba lamang sa Gredit ay mas mataas ang pwede mong maloan sa Gloan, ang loan ay from 100 pesos up to 125,000 pesos. Pwedeng pwede din to kung magtatayo ka ng business. Ang interest rate ay 1.59% to 6.57% per month (naka depende ito sa iyong legibility at loan duration or payment terms)
3. GGIVES
- kung mahilig ka naman sa mga gadgets or appliance ay pwedeng pwede saiyo itong Ggives, dahil products ang pwede mong maloan dito. Kung may gusto kang bilhin na gadgets or appliances ngunit wala pa ang iyong sahod or wala kapang pera ay pwede mong pambayad ang iyong Ggives credit amount pansamantala. Ang interest rate ay 0% - 5.49% per month (depende sa iyong loan duration)
![]() |
photo from gcash app |
Pero bago maavail ang mga nabanggit na loans sa Gcash ay kailangan mo munang mapataas ang iyong gcash credit score or gscore, kapag mataas ang iyong credit score ay ibig sabihin lamang neto ay may good credit history ka, dahil isa ito sa mga tinitignan ng Gcash kung mag ooffer ba sila ng loan sa kanilang mga customer.
Easiest ways to increase Gscore in Gcash faster
Cash in
- para mapataas ang iyong credit score ay kailangan mo lang mag cash in lagi, kung may babayaran kang bills mas mainam na gamitin ang gcash sa pagbayad, i transfer sa iyong gcash account ang iyong pambabayad nang sa ganon ay makita ng gcash na ikaw ay nag cash in ng amount sa iyong account. Isa na siguro ito sa pinaka mainam na gawin para mapataas ang iyong credit score or gscore.
Pay QR
- kung may balance na ang iyong gcash account ay magbayad gamit ang pay qr, kung ikaw ang may bibilhin sa mall ay pwede naman magbayad thru gcash, panigurado ay may qr code sa tabi ng cashier na iyong isscan once na magbabayad kana ng iyong bibilhin. Isa din ito sa paraan para tumaas ang iyong credit score sa gcash.
Pay Bills
- isa din itong sa mga pwedeng gawin ng mapataas ang iyong credit score, kung may babayaran kang electric, water o internet bill ay mas mainam na gamitin ang gcash app sa pagbayad, dahil bukod sa less hassle na ay makakatulong pa ito para tumaas ang iyong credit score para mag offer sa iyo ang gcash ng loan, na pwede mong magamit kung may emergency.
Invest
- kung may sobra ka namang budget, ay mas mainam na iinvest mo ito sa gcash, mayroong Ginvest feature ang gcash kung saan pwede kang mag invest, may chance pa na lumago ito. Ang kinagandahan sa Ginvest ay kahit 50 pesos lang ang pwede kanang makapag umpisang mag invest. Nakakatulong pa ito para tumaas ang iyong credit score.
Save
- isa din ito sa paraan para mapataas ang iyong credit score, kung may sobra ka namang pera ay pwede mo itong isave sa Gsave feature ng gcash, any amount ay pwede mong isave dito, may chance pa na lumaki ito dahil may interest per year. Kahit pa piso piso lamang na pag save ay nakakataas din iyon ng credit score.
Panatilihin lamang na gawin ang mga sumusunod na tips ng sa ganon ay maging qualify ka for loan sa Gcash, dahil laking tulong kung may naka ready kang loan sa Gcash dahil hindi natin masabi na baka may dumating na malaking pagsubok or emergency na kailangang gamitan ng pera.
Sulit na sulit ang loan sa Gcash, dahil sa baba ng interest rate na mayroon sila, tiyak na hinding hindi ka mahihirapan sa pagbayad monthly, at hindi rin sila namamahiya tulad ng mga online lending apps o shark loans na nagkalat online. Siguradong Safe na safe ka sa gcash.
Tags:
Gcash