Paano kumita ng pera sa Maya or Payamaya app?

Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?


Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?


Sa sobrang hirap ng buhay ngayon, kailangan na minsan natin maghanap ng nga extrang pagkakakitaan or part time jobs na pwedeng pandagdag sa mga gastusin sa pang araw araw. Minsan kasi may mga oras na hindi talaga sapat ang monthly sahod na ating nakukuha, lalo na't ngayon nag sisitaasan na naman ang mga bilihin. Laking tulong ng internet sa problema na yan, dahil may mga partime jobs na sa online. Minsan tiyaga tiyaga lang talagang maghanap. 

Oo, madaming part time jobs online na pwedeng pasukan, pero hindi ibig sabihin na lahat ng mga lalabas sa Google search ay legit, di kasi talaga maiiwasan na may mga fake and scam sites na kikita ka raw pero bandang huli ay wala naman talaga. Mahirap din yung naubos ang oras mo at pinag tuunan mo talaga ng oras ang panahon, pero noong pay out na ay hindi naman pala talaga paying. Sobrang sakit sa dibdib na iyon lalo na't nilaan mo na sana ang iyong sasahurin sa mahahalagang bagay tulad ng electric, water, internet bills at iba pa.

Ang mabisang tips para i check kung legit ba na paying ang isang part time job site online ay hanapan mo ito ng reviews sa youtube, minsan kasi may mga sumubok na sa mga sites na iyong makikita at napatunayan na nila. Mga mga reviews din sa Google, i search mo lang din. Mahalagang i check kung legit ba ang site dahil hindi biro ang effort na iyong ilalaan para lang kumita, anjan ang gagamit ka ng internet connection at syempre kuryente. 

Kung legit part time job lang din naman ang hanap mo, sa post na ito ay ituturo ko kung paano kumita ng pera sa Maya app ng walang nilalabas na pera. 

Kung dika familiar sa Maya app, ay isa itong digital wallet gaya ng Gcash na kung saan pwede mong magamit as your savings account. May features din ang maya app tulad ng buy load, pay bills, apply loan, send money at iba. Kung familiar ka sa paymaya app ay iisa lang sila, pinalitan lang ang pangalan ng app. Dati ay Paymaya, ngayon ay Maya app nalang. Pati ang design ng app ay iniba din nila.

Kung wala kapang maya account, mag register kana ng masimulan na natin kung paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app.

Paano nga ba kumita sa Maya or Paymaya app?


Eto ang iilan sa mga pwedeng gawin sa maya app na pwede mong pagkakitaan.

Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?

1. Earn by referrals

- karamihan sa ibang mga app may referral program kung saan kailangan mo lang alukin or udyokin na gumamit at gumawa ng account ang isang tao, sa pamamagitan nun ay may rewards kang matatanggap. Isa itong paraan ng mga app owner para i advertise ang kanilang mga apps, kailangan nilang magpakilala sa mga tao, marketing strategy ikanga.

Every one refferal ay may 100 pesos ka na marereceive, akalain mo yun? kung 10 person ay iyong marefer sa isang araw, may 1,000 pesos ka kaaagad. Pano pa kung madami kang kaibigan at kakilala, isipin mo nalang magkano kaya nun ma earn mo sa isang week?


Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?

2. Earn by rewards

- isa din itong paraan para kumita ka sa maya app, may mga kailangan ka lamang gawin na missions para mareceive mo ang rewards, iba iba ang amount ng rewards depende kung gaano kahirap ang iyong gagawing missions. May mga mechanics naman on every missions at madali lang sundan. 

May mga time or days limit ang mga missions, siguraduhin lamang na magawa mo ito bago matapos ang promo period ng mission ng iyong gagawin, nakalagay naman sa mechanics ito. Basahin lang at gawin ng tama ang instructions para maging successful na mareceived mo ang rewards.


Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?

3. Log in rewards

- yes, sa simpleng pag log in or pag open lang sa iyong maya app ay may marereceive ka na na rewards, tip lang dito ay panatalihin i open ang app. Kung kaya mong araw arawin ang pag open ng maya app ay mas maigi. Pero para siguradong naoopen mo ang app ay gamitin mo na din ito bilang savings account, pag bayad ng bills, pag bili ng load. Mas may chance pa na maging legible ka for maya loan, na pwede mong magamit in the future na kakailanganin mo ng pera.


Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?

4. Cryptocurrency

- Kung may alam ka sa cryptocurrency ay meron din features ang maya app na pwede kang mag trade. Mas maganda diba? dahil savings account mo na ang maya app ay pwede ka din ditong mag trade ng crypto coins. May mga yumaman na sa pag tetrade ng crypto, ang iba ay nakabili na ng sariling bahay at lupa. Isa na siguro ito sa pinaka mabilis na paraan para kumita ng malaking pera, lalo na't kung may alam ka talaga sa crypocurrency. Madami naman tutorials sa youtube kung paano ito gawin. Aralin lamang ng maayos.


Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?

5. Sell prepaid load

- yes, pwede ka din mag sell a load sa maya app. Kahit patungan mo lang ng 2 pesos every load ay tiyak na may kita ka, lalo na sa panahon ngayon karamihan sa mga tao hindi na mabitawan ang cellphone araw araw, ang iba ay adik na sa facebook, twitter, tiktok at iba pang social media app, kailangan ng load or surf promo para makagamit ka ng internet. Prepaid load ang takbuhan ng mga adik mag internet, lalo na kung wala silang wifi. 

Ang kinagandahan sa maya app, ay may mga cashback promo kapag bumili ka ng load, isipin mo yun may cashback na, isama mo pa ang iyong pinatong edi laki ng kikitain mo.



Paano kumita ng pera sa Maya or Paymaya app?

6. Pay bills Services

- may mga taong tamad talaga pumunta sa mismong branch ng mga electric, water, internet at iba pang bill, kaya pwede mong pagkakitaan ang maya app sa pamamagitan lang ng pagbayad ng bills. Ipapabayad lng sayo ng customer ang kanilang bill, hassle free para sa kanila, ganun lang ka simple. Hindi na nila kailangan pang bumiyahe para lang makapag bayad, patungan mo nalang kahit magkano para tiyak na may kita ka.


Lahat ng 6 tips na yan, ay iilan lang sa mga paraan para kumita ng pera sa paymaya/maya app. Ano pa ang hinihintay mo, at iinstall mo na ang maya app na available sa Google play store.

Post a Comment

Previous Post Next Post