Libreng tawag sa landline numbers gamit lamang ang isang app.
May mga pamilya, kaibigan o kakilala kaba na nasa abroad at hirap sa komunikasyon? o kaya naman, ikaw ay nasa Pilipinas at may kailangan kang tawagan na landline numbers pero wala kang pambili ng regular load? Oo, kung gamit mo lang ay cellphone at wala kayong telepono at kailangan mong tumawag sa landline numbers, kailangan mo munang bumili ng regular load atleast 50 pesos para makatawag. Lalo na ngayon, sa mga banko at internet company landline numbers mo lamang pwede sila ma contact, meron din namang via email ang kaso lang ay matagal minsan magreply ang mga agents.
Bukod sa facebook, messenger at skype ang nakasanayang komunikasyon sa mga kamag anak ay pag tawag talaga gamit ang prepaid loan, ito ay nagtatagal lamang ng ilang minuto. Sobrang gastos nun kung lagi mong kokontakin ang iyong mga kamag anak na nasa abroad. Pero ngayon gamit lamang ang internet ay pwedeng pwede ng makausap ang iyong mga kamag anak abroad, anjan ang facebook messenger, skype, telegram at iba pang messaging app.
Pero kung tatawagan mo ay landline number ay hindi pwede ang facebook or telegram. Dahil kung landline number ay need mong gumamit ng telepono or bumili ng regular load na kadalasan nating ginagawa noon tuwing tumatawag sa ating mga kamag anak na nasa abroad.
Sa post na ito ay ituturo ko kung paano makatawag sa landline numbers ng libre.
Kung familiar ka sa viber app ay madali nalang ito para sayo. Alam naman natin na ang viber ay isang messaging app kung saan pwede mong magamit pang message sa iyong mga pamilya, kaibigan at kakilala saan mang panig ng mundo. Ang features neto ay may pagkakahalintulad din sa Skype, Telegram, Whats app at Wechat. Libre lamang ang pag download at install neto. Pumunta lamang sa Google play store, i type ang Viber sa search at hanapin ang viber at i'install lamang.
Paano mag create ng Viber app?
- Una, i download lang ang viber app from Google play store.
- Pangalawa, i ready ang iyong active mobile number, dahil ito ay ating gagamitin sa pag create ng account.
- Kapag nalagay mo ng tama ang iyong active mobile number, magsesend ng verification code ang Viber team sayo, ilagay mo lamang ang code para ikaw maka proceed sa pag gawa ng account.
- Ilagay mo lang ang iyong username, pictures at iba pa para makagawa ng account.
Kung naka gawa kana ng iyong viber account ay ituturo ko na kung paano makapag call ng landline numbers ng libre.
Paano nga ba makatawag ng landline numbers ng libre sa Viber app?
Magandang balita ito, dahil alam niyo ba na may pa libreng call ang viber ng 30 minutes every month, Yes! Libre lamang ito. Kung ioopen mo ang app, at sa bandang baba na may "check these out" ay makikita kang Free! 30 minutes/month, so ibig sabihin lang neto na legit ito.
Posibleng tanong,
Isang tawagan lang ba yung 30 minutes? Kailangan ubusin na once na tumawag ka?
- Ang sagot diyan, ay hindi. Kunwari may tatawagan ka at nag usap kayo ng 5 minutes lang, ang remaining minutes mo na pwedeng gamitin ay 25 minutes pa. Diba? Laking tulong neto sa mga walang telephone sa bahay, na laging tumatawag sa mga kumpanyang reachable lang via landline numbers.
Paano ba magcall ng Landline number sa Viber app?
Gaya lang din ng mga default dialer sa ating mga smartphone, itatype mo lang doon ang landline number na iyong tatawagan, ganun lang ka simple.
I open lang ang viber app, sa baba i click lang ang Calls (telephone icon) > i select ang telephone number sa iyong contact list, pero kung manual mong i tatype ang number ay i click lang ang 7 dots icon sa right side.
Natry ko na itong pantawag sa Home credit, malinaw naman at clear naman ang sounds ng kausap ko, pero siguro depende din ito sa lakas ng iyong gamit na internet.
Laking tulong neto sa mga taong walang telepono sa bahay pero may wifi, sa mga taong may mga kamag anak at kaibigan na nasa abroad. At pang huli sa mga taong laging tumatawag sa banko, tele company, food delivery at iba pang kumpanya na reachable via landline numbers. Sobrang makakatipid ka sa app na ito, dahil hindi kana bibili ng regular load sa tindahan para makatawag lang sa mga kamag anak na nasa abroad gaya ng nakasanayan nating gawin noon.
Tags:
Free call & text