Kumita ng pera sa Maya savings account online banking app
Isa kana rin ba sa mga gumawa or pinili ang Maya savings account app para gamitin sa mga online transactions tulad ng payment bills, buy loads, bank transfer at gamitin na rin ito as saving app? Isa na rin ang Maya app ang pinaka sikat na online banking ngayong taon, halos kasabayan na ito ng #1 online wallet na Gcash na ginagamit ng mga tao sa Pilipinas, hindi lang sa Pilipinas dahil pati ibang bansa ay ginagamit na din sa kadahilanang mabilis or realtime ang pag transfer ng mga pera pati narin sa dali itong gamitin.
Pero alam niyo ba na pwede narin kumita ngayon sa Maya app? Kahit magkano ay maari kang kumita sa maya app sa pamamagitan lamang ng pag sign in, or madalas na pag gamit ng maya app.
Kung titignan niyo sa aking screenshot sa ilalim, makikita niyo ang mga nakuha or na claimed na voucher sa maya app na pwedeng i claim as pera.
Once nakatanggap ka ng voucher ay i claim na ito sa loob ng valitidy period ng iyong natanggap na gift voucher galing sa maya app. Kapag naexpired na ito ay hindi mo na makukuha ang iyong gift voucher. Kaya mas importante talagang maging active sa pag gamit ng iyong maya app, dahil makikita sa voucher tab kung mayroon ka ng voucher or hindi.
Isa na rin sa paraan para malaman kung mayroon or nakatanggap ka ng gift voucher ay via MayaRewards text message, tulad ng nareceive ko noong binigyan ako ng gift voucher ng maya app.
Once naclaim mo na ang iyong gift voucher from maya app, ay makakareceive ka ng text message from mayareward na nagsasabing na received mo na ang voucher sa iyong maya account. Para maka siguradong nareceive mo na nga ito ay pumunta lamang sa Maya app, at i check ang iyong balance.
Gusto mo bang kumita pa ng mas higit sa Maya app? Mayroon din paraan para kumita ng pera sa Maya saving app online bank, pumunta lang sa maya app at hanapin sa baba ang mission button.
Makikita sa missions na ito ang mga pwede mong gawin na task na may kalapit na gift voucher once nagawa mo ang every mission na available sa missions tab. Tandaan na may validity perion or date ang bawat missions, panatilihing matapos ang nasimulang task sa loob ng itinakdang araw.
Paano nga ba magkakaroon ng Gift vouchers from Maya app?
Napakadali lamang, panatalihing mag sign in sa maya app everyday, gamitin rin ang maya app sa iyong mga online transactions tulad ng pay bills, buy load, saving, bank transfer, and use maya for online payments. Tiyak na makaka receive ka ng gift rewards or voucher once na gawin mo ang mga nasabing paraan.