Paano kumita ng pera sa Tiktok app?

Pano kumita ng pera sa Tiktok app?

Isa karin ba sa mga naadik na din sa tiktok simula nag umpisa ang pandemya hanggang ngayon? Halos karamihan ngayon alam gamitin ang tiktok app, walang pinipiling edad, kahit nga edad 2-5 years old ay napapaindak na din sa mga nauusong dance videos ngayon sa tiktok. Pero alam mo ba na pwede kang kumita ng pera dito kahit panuod nuod ka lang ng mga videos? Oo, tama ang iyong nabasa. Maraming ways to earn money on tiktok app, isa na diyan ang ituturo ko sa post na ito.

Laking tulong ng tiktok app sa mga tao lalo na noong kasagsaran ng Covid pandemic noong 2020, lahat naburyong sa bahay ng ilang taon dahil sa mga lockdown na ipinatupad ng mga gobyerno sa karamihan ng mga bansa. Walang magawa ang mga tao kaya't ito siguro ang dahilan kung bakit nag click ang application na tiktok, sino nga ba naman hindi matutuwa sa app na to bukod sa mayroon na itong video and singing features ay may mga funny videos din dito na pwede mong i dub at panuorin. 

Kung naghahanap ka ng mapag kakakitaan ng pera online, pwede mong subukan ang tiktok app. Naaaliw kana kakanuod at upload ng mga videos ay pwedeng pwede kapang kumita dito. 

Eh antanong, may tiktok account kana ba? kung wala pa ay ganito lang ka simple gumawa ng tiktok account.

1. Pumunta lang sa Google play store or apple store, i search ang Tiktok at iinstall ito.

2. Kapag na install mo na, ay i click lamang ang log in or sign up button na magpopop up sa iyong screen.

3. May mga paraan para makagawa ka ng tiktok account ng mabilis, yun ay ang gamit iyong mobile number, facebook account and google account. Kung anong gusto mong pag create ng account ay iyong desisyon. Mas advisable na iconnect mo nlng ang iyong facebook account dahil isang click lang, registered ka kaagad. Di tulad ng sa mobile number, hihintayin mo pa ang text message activation code, e paano kung walang signal ng mga oras na iyon? At kung paano kung na PUK or nawala ang iyong cellphone, edi kasabay nun ang pagkawala ng iyong tiktok account. Kung via Google account naman, pwede rin basta't wag mo lang kalimutan ang iyong google account password at huwag madisabled ang iyong account.

Kung nakagawa kana ng iyong tiktok account ay mag sign in kana at tumungo na tayo kung paano nga kikita ng pera sa tiktok.

4 Ways to Earn money on tiktok app.


1. Earn by referral

- Yes, ito ang pinaka madaling paraan para kumita ng pera sa tiktok app, kailangan mo lang mag invite para mag install sila ng tiktok app at manuod ng videos for 30 minutes within 10 days. Ganun lang kasimple, pwede kang kumita ng up to 1,800 pesos, hindi na masama diba? pwede na tong pandagdag pang gastos sa bahay o kaya naman ay pambayad ng bills.

Pano nga ba ito gawin?
Hanapin lang sa taas ang gift box icon "Click for reward" i click lang ang regalo.


After mo ma click ay mapupunta ka sa page kung saan makikita mo ang referral dashboard, dito mo makikita kung ilan na ang iyong na refer at na earn. 

Pano kumita ng pera sa Tiktok app?


Paano nga ba kikita sa referral friends?

I copy mo lang ang iyong invitation code at ipalagay mo ito sa invitation code sa tiktok account ng iyong friend na irerefer ng sa ganon ay makaka receive ka ng earnings. Kapag hindi niya ito sinubmit ay hindi ka kikita. 


2. Creator Marketplace

- Isa rin sa paraan para kumita ng pera sa tiktok app ay ang pag sell or pakikipag colaborate sa mga Brand company or business, kailangan mo lng minsan i advertise ay kanilang product. Magkaka commision ka once may nabenta ka sa kanilang mga products.

Pano kumita ng pera sa Tiktok app?


Saan ba makikita ang Creator Marketplace sa tiktok app?

Pumunta lang sa iyong profile, i click ang 3 lines sa taas at i click ang creator tools. At dun na lilitaw ang Creator Marketplace, ilalim ng Monetization.

Pano kumita ng pera sa Tiktok app?




Pero hindi ganoon kadali, dahil may kailangan kang i meet na requirements sa tiktok, tulad ng mga sumusunod:

  • Kailangan ay may 100,000 followers ka.
  • Ang edad mo ay 18 years old and above.
  • Kailangan ay may 3 videos kana within the last 30 days.
  • At ang panghuli, mayroon kadin dapat na 100,000 likes within 30 days.

3. Tiktok Gifts

Yes, kung familiar ka sa stars sa facebook app ay parang ganito lang din to. Pwedeng magsend ang iyong viewers sa iyong tiktok video ng gifts na may karampatang presyo. Makikita ito sa baba ng screen, katabi ito ng add comment. Halata naman sa icon neto "gift or regalo". Kung nagustuhan ng viewers ang iyong video may chance na magsend sila ng gifts. 

Pano kumita ng pera sa Tiktok app?


San ba makikita ang Gifts sa tiktok app?

Pumunta lang sa iyong profile, i click ang creator tools and sa ilalim ng Monezation ay makikita ang Creator marketplace at Gifts, i click lamang ang gifts.

Pero hindi rin ganun kadali para maging qualified ka dito, pero mas madali kumpara sa Tiktok Creator Marketplace, kailangan mong ma meet ang requirements ng tiktok, at iyon ang mga sumusunod:

  • Atleast 18 years old and above.
  • Kailangan ay may 1,000 video views kana in the past 30 days.
  • May 3 post kana in the past 30 days.
  • Wala kang nilalabag sa community guidelines ng tiktok.

4. Tiktok Shop

Kung mahilig ka mag online shop sa shoppee, lazada and shein app, ay pwedeng pwede narin sa tiktok app. Halos katulad lang din sa shoppee and lazada app, add to cart lang and pwede Rin dito ang Cash on delivery.

Pero kung hilig mo naman magbenta ng mga products ay pwedeng pwede karin mag post dito at magbenta, lalo na't halos lahat na ata ng pinoy ay may tiktok account ibig sabihin na mas mataas ang chance na mas maraming active gumamit ng tiktok, lubusin na ito para magbenta ng pwede mong ibenta. 

Pano kumita ng pera sa Tiktok app?


Pero gaya ng sa Creator Marketplace at Gifts mayroon din requirements para maging eligible or qualified ka for tiktok shop, at ito ay ang mga sumusunod:

  • Kailangan ay mayroon kang 1,000 followers.
  • Atleast 18 years old and above.

Nakapadali lang ng requirements diba? Kaya sa mga online seller jan, bukod sa lazada, shopee, shein at facebook marketplace ay gamitin niyo nadin ang tiktok sa pagbenta ng iyong mga panintinda para more income ang pumasok sa inyo.

Post a Comment

Previous Post Next Post