How to increase credit score in Gcash?

Paano pataasin ang credit score sa Gcash app?

How to increase credit score in Gcash?


Siguro isa na sa loan app na legit ang Gcash app, subok na ito sa mga transaction tulad ng pag save ng pera, pag bili ng load, pagbayad ng mga bills, pag transfer ng pera sa ibang banko at iba pa. Halos lahat na ata ng mga pinoy ay merong Gcash account na gamit pang araw araw at may ideya kung anu ano ang mga loan apps na legit sa Pilipinas.

Gusto mong mag loan sa Gcash app, pero nahihirapan kang pataasin ang iyong credit score? Sinuswerte ka dahil ang post na ito ay para sa iyo. 

May dalawang bagong features ngayon ang Gcash app, ito ay ang mga sumusunod:


- Ito ay parang tulad din sa mga banko na credit card, kapag may gusto kang bilhin sa mall or kung saang merchants man na available pambayad ang Gcash ay pwede mong magamit ito. 

Ang credit amount na pwede i offer sayo ng Gcash ay up to 30,000 pesos at interest rate na as low as 3% lamang.

Gloan

- itong feature naman na ito sa gcash app ay pwede kang makapang hiram ng pera na pwede mong i cash out sa mga suking tindahan, pwedeng pwede itong gamitin sa mga bills at kung anu ano pang kailangang bayaran ng cash.

GGives

- kung familiar ka sa tendo pay at billease, gaya lang din ito. Ang GGives ay nagbibigay sayo ng credit once na may gusto kang bilhin, "buy now, pay later kumbaga." Pwede itong gamitin kung mahilig ka mag online shopping sa Lazada or Shopee, pero kung sa mall ka bibili ng item ay merchants din na pwedeng gamitin ang GGives.

Sa bagong features na mga yan ay pwede kang makapag loan ng pera na pwedeng gamitin sa mga emergency funds tulad ng electric, water at internet bills. Sa panahon na kailangan mo ng pera, bukod sa mga kaibigan at pamilya, sino pa nga ba ang tatakbuhan natin para manghiram? To the rescue diyan ang mga lending apps online. Pero mag ingat ka padin dahil may mga loan sharks or yung mga lending app na sagad sa buto ang pang haharass at pag patong ng malaking interest. Hindi tulong ang ginagawa nila kundi pang gigipit sa mga mang uutang.

Pero tandaan, hindi porket may gcash account ka ay automatic na qualified kana for Gcredit or Gloan. Hindi basta basta nag aalok ang Gcash, may mga requirements na kailangan para maging legible ka for credit or loan sa kanila. 

Anu ano nga ba ang requirements para maging qualified ka for Gcredit or Gloan sa Gcash?


1. Kailangan ay 18 years old above ka.

2. Kailangan fully verified ay iyong Gcash account.

 - Kailangan mo lamang ng valid government  ID sa pag upgrade or pag fully verified ng iyong gcash account.

Anu nga ba ang mga Valid IDs na pwedeng gamitin sa Gcash?

  • Passport
  • Driver's License
  • Philheart Card
  • PRC ID
  • UMID
  • National or Philsys ID
  • Voter's ID
  • Postal ID
  • SSS ID
  • Pag ibig ID (HDMF)

3. Kailangan mataas ang iyong Credit Score.

How to increase credit score in Gcash?


Ano ba ang Credit Score?


- Ito ay ang status mo or record mo kung good payer kaba, dito magbabase ang mga lending companies at banko kung maganda ang iyong records at walang kang mga unpaid loans at ang huli ay walang bad records sa mga banko at legit lending apps. 



How to increase credit score in Gcash?

Paano mapataas ang Credit score sa Gcash app ng maging qualified sa Gcredit or Gloan?

  • Gamitin lang palagi ang gcash app sa lahat ng iyong payment transactions.
  • Palaging mag cash in sa gcash app.
  • Gamitin ang Gcash app kung magbabayad ka ng bills, loan, government contributions like SSS, Pag ibig, Philhealth, Tax at iba pa.
  • Magbuy din ng load sa Gcash app.
  • Gamitin ang gcash app sa paybayad sa mga merchants na tumatanggap ng Gcash payment (Use Pay QR)
  • Mag invest sa Gcash app (Ito ay bagong features ng Gcash, kung saan pwede kang mag invest)
  • Mag save sa Gcash app (bagong features din ito kung saan pwede mong gamitin ang gcash app as your savings account, lalo na kung nahihirapan kang mag open ng saving account sa banko)

Gawin lamang ang mga paraan na iyan para tumaas ang iyong credit score sa gcash para lumaki ang chance na mapili or maging qualified ka for Gcredit or Gloan sa Gcash app. 


Paano malalaman kung qualified ka for Gcredit or Gloan sa Gcash app?

Makaka receive ka ng text from Gcash na qualified ka for credit or loan.

Post a Comment

Previous Post Next Post