Paano kumita ng pera sa Hustle PH online?
Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa matataas na bilihin kailangan na kailangan natin ng part time job na pwedeng makatulong pandagdag sa gastusin araw araw. Madaming earn money jobs online na pwede mong subukan, kailangan mo lamang talaga ng effort at oras.
Sa dami na ng tutorials kung paano kumita ng pera online hindi mo na alam kung anu ano nga ba ang mga legit na ways para maka earn ng money. Dahil ang iba ay hindi naman totoo, masasayang lang ang efforts and time mo bandang huli di naman pla talaga makaka widthraw ng na earn mo. Alam ko ang feeling na yan, sa dami na ba naman ng nasubukan kong earn money ideas online, nasayang nadin ang aking time and effort sa pag tatry. Pero may iilan din naman akong nakitang legit na nag pe-pay talaga tulad ng Hustle Ph.
Tips kung paano malalaman kung legit na makaka earn money ka sa isang site:
- Napakasimple lang para malaman kung legit payerba ang earning website, i search lang sa google ang earning website at i add ang legit or scam? (for example: Hustle PH legit or scam?) Madami namang lilitaw na website checker sa google search results, basahin mo lang maiigi, nakapaloob doon kung legit ba tlaga ang website or hindi.
- Pangalawa, pwede din i search sa youtube dahil panigurado mayroon ding mga reviews. At lalong lalo na para macheck talaga kung legit ay i search din sa youtube ng proof of payment (example: Hustle PH proof of payment) yan ang i search mo.
Mabalik tayo sa Hustle PH....
Ano ba ang Hustle PH?
Isa itong website kung saan ginawa para kumita ang mga naghahanap ng part time jobs online saan mang sulok kaman ng Pilipinas, ito na ata ang pinaka mabilis na paraan para maka earn ka ng money online. Kailangan mo lang sagutan ang mga surveys and gawin ang mga task na kanilang papagawa.
Ano ang mga requirements?
- Kailangan ay mayroon kang internet connection, kahit mobile data lang ay pwedeng pwede na.
- Kailangan ay may Gcash or Maya(Paymaya) account ka dahil dito ihuhulog ang pera na iyong makukuha.
- Kailangan ay masipag ka din na gawin ang mga task na ipapagawa para kumita ka ng pera. Kung tamad ka, ay skip mo na ang post na ito.
- Kailangan mo din nga smartphone dahil may mga task na kailangan ang camera. Mas malinaw na camera, mas maganda.
Paano mag create ng Hustle PH account?
Napakadali lang ng paraan para makagawa ka ng Hustle Ph account, basahin ang mga sumusunod:
Pumunta lang sa kanilang website na " hustle-ph.com" at i click ang 3 lines sa taas ng website, tignan ang picture sa ilalim para magkaroon kayo ng ideya. Pagkatapos ay, i click naman ang Sign up.
Once na napindot mo na ang sign up, mapupunta ka sa page kung saan fifill up'an mo ang mga sumusunod:
Credentials - ito ay iyong email address and password na gagamitin everytime na mag lolog in ka sa Hustle PH.
Tandaan:
Kailangan active ang iyong email na gagamitin, dahil magsesend ang Hustle PH team ng link for your verification.
Info - Ito naman ay ang iyong personal information tulad ng First name, Middle name, Last name, Mobile number, Birthday, Gender at Address.
Tandaan:
Kailangan ay active din ang iyong mobile number na ilalagay at kung maari ay ang number na iyon ay gamit mo din sa iyong Gcash or Maya (pamaya) account.
Doon naman sa "Purchase Decision Maker." kahit anong sagot ay pwede.
E-wallet for Rewards - dito naman ay ilalagay mo ang iyong Gcash or Maya (Paymaya) account, dahil dito nila i sesend ang pera na iyong naearn.
Tandaan:
I double check lang kung tama ang iyong account number, para di mag ka aberya once na i wiwidthraw mo na ay iyong earned money.
Once na nasagot mo na lahat ng kailangan, i click mo lamang ang submit at pumunta ka sa iyong email dahil nag send ang Hustle ph team ng email kung saan kailangan mo lng i verify ang iyong account.
Pumunta lang sa email at hanapin ang email galing sa Hustle ph, i click lang ang verify now at mapupunta ka sa log in page ng Hustle PH.
May makikita ka ng message sa taas na email verification successfull, ibig sabihin lamang niyan na fully verified na ang iyong account. Ilagay mo lang ang iyong email address at password para maka log in/sign in.
Once na naka log in kana ay mapupunta sa dashboard, at dito mo makikita yung mga campaigns or task na pwede mong gawin. Every campaign ay may mga rewards.
Kung handa kanang kumita ng pera, I click lang ang task or campaign na gusto mong simulan. I click lang ang let's start button.
For example:
Hustle Profile task.
May instruction sa taas na kailangan mong sundan para maging sucessful ang iyong gagawin at mareceive ang reward na 10 pesos. Iba iba ang presyo ng rewards per campaign or task.
Andiyan din ang description ng task, kung ano ang gagawin.
Kung handa kanang gawin ang task, i click lamang ang "click me to open the form" button.
Sagutin lamang ang mga kailangan sagutin, at pakatandaan na ang ilalagay na email address ang yung kung ano ang ginamit mo sa pag create ng Hustle Ph account. Once tapos kana ay click mo lang ang submit button. At hintayin mo lang pumasok ang iyong reward sa iyong Hustle wallet.
Kung may na earn kana and gusto mo na i widthraw ang iyong pera papunta sa Gcash or Maya account, ganito lang ka simple.
I click lang ang wallet > at withdrawal request. Tignan ang picture sa baba para magkaroon ka ng ideya.
I click lang widthraw button sa taas. At may magpopop up na form.
Ilagay mo lang ang amount na gusto mong i widthraw. I double check mo ang iyong Gcash or Paymaya account number para smooth lang ang pag process ng widthraw.
Once na tama naman ay i click mo lang ang ok button.
Hintayin lamang pumasok ang amount ng nirequest mo for widthraw sa iyong Gcash or Paymaya account. It can take within 1-5 hrs or minsan mas maaga pa diyan, minsan umaabot ng 2 days.
Pwedeng pwede ito sa mga nasa bahay lang at walang masyadong ginagawa. Sumasagot ka lang ng surveys or gumagawa ng task kumikita kapa. Perfect ito sa mga naghahanap ng extra income pambayad ng bills. Kailangan mo lang talagang maging matiyaga sa mga pag sagot. Ang kinagandahan pa dito ay tagalog lang ang surveys or task sa Hustle PH.
Available nadin ang Hustle Ph sa mobile app, sobrang hassle free dahil hindi mo na kailangan pang ilog in sa browser ang iyong account. I search lang sa Google playstore ang Hustle PH app.
Happy earnings everyone! I share din ito sa iyong mga kakilala na gustong maghanap ng extra income kahit nasa bahay ka lang.
Tags:
Earn money