Paano mag loan sa Tala app?

Paano mag loan sa Tala app?

Paano mag loan sa Tala app?

Isa na ata ang tala lending loan app online sa isa sa mga legit at the best na lending loan app online sa pilipinas, bukod sa mabilis sila magprocess at mag approved ay hindi rin nanghaharass ang kanilang mga agents di tulad ng ibang shark loans na nasa google play store pa rin hanggang ngayon. 

Tala loan details:

  • 1st loan amount na possible na ioffer sayo ng tala ay 1,000 - 2,000 pesos and higher depende sa iyong qualification. (up to 15,000 pesos)
  • interest rate na 5 pesos per day (no hidden charges)
  • Fast approval (5 minutes up to 24 hours)
  • Set payment terms - yes pwedeng ikaw mag set kung kelan mo kayang bayaran ang iyong loan.
  • No collateral or guarantor needed.

Ang tala lending company ay registered sa SEC, ibig sabihin lang neto ay legit ito at legal na nag o-operate ang kanilang kumpanya. Pwede mong ma check ang ilan sa mga Online lending apps if registered ba sila sa sec or hindi sa website ng Securities Exchange and Commision govt site.

Paano mag loan sa Tala app?

Minsan hindi talaga natin maiwasan ang mang utang lalo na't sa hirap ng buhay ngayon at taas ng mga bilihin ay minsan kinakapos ang monthly sahod natin. Kung nahihiya ka mang utang sa iyong mga kamag anak at kaibigan, takbuhan minsan natin ay ang mga lending company, bumbay at online lending apps. Kung uutang ka lang din naman, ang isang app na pwede kong irekomenda sa iyong gamitin ay ang tala app. 

Bukod sa mababa lang ang interest, up to 2 months din ang kanilang payment terms, tiyak na hinding hindi ka mahihirapan sa pag bayad. Laking tulong talaga neto kapag may emergency na kailangan mong bayaran okaya naman ay kung gusto mong magtayo ng maliit na negosyo ay pwedeng pwede mong gamitin ang tala app.

Ang kinagandahan din sa tala lending app ay ikaw na mismo ang mag se-set ng date kung kailangan mo babayaran ang iyong uutangin, up to 2 months ang max payment terms sa tala app. Mas maaga mong mabayaran ang iyong utang, mas baba din ang magiging interest neto.

Based sa aking experience sa tala app, nangailangan lang din ako ng pera ng mga oras na iyon, at sa aking pagbabasa sa mga groups sa facebook, halos karamihan sa kanila ay tala daw ang pinaka the best na lending app na kanilang sinubukan, kaya't na engganyo akong subukan ito lalo na't kailangan ko din ng pera.

Eto ang sample computation ng aking 1st loan sa tala app.

Paano mag loan sa Tala app?

Ang 1st loan amount na inoffer sa akin ng tala app ay 2,000 pesos and syempre para hindi ako mahirapan sa pag bayad ay sinet ko ng 2 months payment terms, at ang babayaran ko ay 2,590 pesos.

Bale ang interest ng 2,000 in 2 months payment terms ay 590 pesos lang. Sobrang baba diba? Hindi tulad sa ibang mga loan app na antataas ng interest in 7-14 days lang ang payment terms.

Pwede bang mag reloan sa tala once na paid mo na ang iyong current loan? 
  •  Yes na yes! Mas maganda na huwag kang mag late payment para mas mataas na chance na maka reloan at tumaas ang loan amount na i ooffer sayo ng tala. Pang 3rd time ko ng nakapag loan sa tala app, tumataas ng 500 ang loan amount ko. Pero ang iba higit pa jan.

Paano mag loan sa Tala app?


Eto ang mga simpleng paraan kung paano mag loan sa Tala app.


1. Download Tala app

- I download lang ang Tala app, available din ito sa Google play store, i search lang ang Tala loan app. Once na nadownload at install mo na ang app, ay gumawa ka lang ng iyong tala account. Sagutin lang ang form at ilagay lamang details na kailangan.

Tandaan: Kailangan ay tama at totoo ang iyong mga ilalagay na details, hindi pwedeng fake info dahil panigurado ay rejected ka. Once na tama ang iyong details ay hindi na mahihirapan mag check ang agent at mas mataas na chance na bumilis ang pag process ng iyong loan.

Kailangan ay tama din at active ang phone number na iyong ilalagay, dahil doon ka makakareceive ng update kung approved ba ang iyong loan or hindi.


2. Submit 1 Valid ID

- Yes, kahit saan kailangan ng company ng verification, at ito ay ang pag submit ng valid government ID.

List of valid IDs na inaaccept ng Tala.
  • Voters ID
  • Postal ID
  • Passport
  • National/Philsys ID
  • PRC card
  • SSS/UMID ID
  • Drivers License
Ilagay ang ID number na iyong napiling i susubmit at picturan lang ang front and back ng valid ID na meron ka sa listahan, panatilihin na malinaw ang iyong pagkuha ng litrato ng sa ganon hassle free ang iyong pag apply ng loan, minsan kasi dahil lang sa blurred ang sinubmit na id picture ay naging dahilan ito ng pag ka reject ng ilan sa mga sumubok mag apply sa tala app.

Required din na mag selfie na hawak ang iyong valid ID, kailangan ay maayos at maliwanag ang pagkakakuha ng selfie, hindi blurred at higit sa lahat ay kailangan ay may suot kang damit.

Once na nasubmit mo na ang iyong valid government ID at selfie ay may lilitaw sa screen na "Tala has received the photos of your ID." Iyon na din ang hudyat na ichecheck na ng Tala team ang iyong loan application. 

Makakareceived ka ng text from Tala kung approved ba ang iyong loan or hindi.

Paano mag loan sa Tala app?


3. Cash out your Loan amount

- pwede mong i cash out or i widthraw ang loan amount mo sa mga sumusunod:
  • Digital wallet tulad ng GCASH, Paymaya/maya or Coins.ph
  • Money transfer tulad ng Cebuana Lhuillier, M Lhuiller, Palawan Express at iba pa.
  • Bank Transfer
  • At pang huli ay 7/11


Magkano ang late payment fee?

May 5% one time payment fee sa tala kapag na late ka ng payment, para maiwasan ito magbayad lang on time. Pwede naman mag installment sa Tala app, kung may sobra ka ay pwede mong ibayad na para mabawasan ang balance na babayaran mo pag dating ng iyong due date. 

Nang haharass ba ang Tala app?

Hindi, nirerespeto nila ang iyong privacy. Hinding hindi nila i aaccess or kontakin ang iyong contact list once na hindi mo pa nababayaran ang iyong loan. Kokontakin ka lang nila sa iyong email, primary number at secondary number na iyong nilagay. 100% sure na hindi ka mahaharass sa tala, kaya isa nadin ito siguro ang dahilan kung bakit sinasabi nila na isa ito sa the best na lending app sa Pilipinas.

Kapag wala kapang pambayad, i message mo lang sila or inotify at sabihin ay iyong dahilan, dahil maiintidihan naman nila ito. Mas mabuti iyon dahil sila pa nga mismo ang magbibigay ng paraan kung paano mo ito mababayaran.

Alam mo ba na bukod sa pag loan, ay pwede karing kumita sa Tala app?

Oo, pwede by referral program. 

TIPS!
  • Magbayad lang on time, para mataas na chance na tumaas ang loan amount na i ooffer sa iyo ng tala kung gusto mong mag reloan.
  • Panatilihing malinaw ang mga isusubmit na pictures para di hassle sa mga agent na icheck ang iyong loan application.
  • Pati narin ang iyong details, panatilihing tama at kumpleto.

Kung may mga katanungan ka or problema sa iyong loan, ay maari mong kontakin ang kanilang customer service.

✉️paymentsupport@tala.ph
📞 Globe: 09778118252 | Smart: 09190822695

Post a Comment

Previous Post Next Post