Paano mag apply ng loan sa CTBC Bank?

Paano mag apply ng loan sa CTBC Bank?


Paano mag apply ng loan sa CTBC Bank?


Kung kailangan na kailangan mo ng pera, at hindi mo na alam kung saan ka mang uutang ay subukan mo ng mag apply sa CTBC Personal loan or cash loan. Sa sobrang bilis nila magprocess ng application at baba ng interest ay isa na siguro ito pinaka the best na bank loan sa Pilipinas. 

May mga panahon talaga na dadating ang mga problema, hindi na siguro maiiwasan yun. Ang mahirap lang ay hindi ka handa sa mga oras na dadating ang mga problema lalo na't kung kailangan ng financial. Minsan di sapat ang savings natin kapag may problemang mabibigat na darating. Laking tulong ng mga kaibigan, kakilala at kamag anak na nagpapa utang, pero paano nalang kung walang wala din sila? Diyan na papasok ang bank loan, dahil karamihan ay nag ooffer ng bank ng loan tulad ng salary loan, housing loan, auto/car loan at iba pa. Isa sa pinaka magandang utangan ay ang bangko dahil sa liit ng interest na patong ay kadalasan ay matagal ang payment terms ang binibigay nila.

Isa na siguro ang CTBC bank sa pinaka mabilis mag process ng loan sa Pilipinas, kadalasan ay inaabot lang ng 5 days ang processing time ng loan sa bankong ito. Nirerekomenda ko ang CTBC bank kapag kailangan na kailangan mo ng perang panggagamitan, ay subukan mo ng mag loan sa CTBC bank. 

Paano ba mag apply ng cash loan sa CTBC Bank?

- kung kailangan mo ng pambayad ng bills, emergency fund, for business o iba pa at kailangan na kailangan mo ng mabilisang pera ay pwede kang mag apply ng loan sa CTBC Bank. Minsan ay inaabot lng ng 3 days ang process ng loan application.

Loan details:
  • pwedeng mag loan 20,000 pesos up to 1,000,000 pesos!
  • Ang Loan/payment terms ay 12 months - 36 months.
  • Ang interest rate ay 1.39% - 1.79% lamang!
  • May processing fee na 2,000 pesos.
  • Loan process time - 3 to 5 days.
Eto ang computation table/ctbc loan calculator para mag karoon ka ng ideya kung magkano ay iyong monthly amortization or babayaran every month.


CTBC personal loan Requirements:
  • Kailangan ay 23 up to 65 years old ka.
  • Kailangan ay total na monthly income mo ay atleast 15,000 (for individuals) 20,000 naman for Call center (BPO) employee, self employed, 25,000 naman kung ikaw ay Doctor/Consultants.
  • Kailangan ay 6 months mahigit kanang employee sa iyong company (mas okay pag regular kana)
  • Kailangan ay may landline ang inyong office.
  • At ang pang huli, kailangan ay Filipino citizen ka.
Napakadali lang mag apply ng loan sa CTBC bank, kailangan mo lang fill up'an ang kanilang form at isubmit mismo sa pinaka malapit na CTBC bank branch sa inyong lugar. 

I download ang form sa kanilang website, i type lang sa google ang CTBC bank at bisitahin ang site, hanapin at i click ang "Loans" tignan ang picture sa baba para magkaroon ka ng ideya kung saan banda.

I click lang ang Salary Stretch loans at sa kabilang banda naman ay i download ang application form.

I print lang ang application form at fill up'an lamang ito ng mga tama para hindi na ma hassle ang magpoprocess ng iyong loan. Once na natapos na mo na, ay dalhin lamang ito sa pinaka malapit na CTBC bank branch sa inyong lugar.

Bukod sa application form ay dalhin din ang ilang documents tulad ng mga sumusunod:
  • Photocopy ng iyong latest ITR or BIR FORM 2316
  • Photocopy ng iyong 1 month latest payslip
  • 1 Valid Government ID (with photo and signature)
  • Company ID (with photo and signature)
  • At pang huli, ay Proof of billing na kung saan naka address sa kasalukuyang tinitirhan. (billing under current address)

Kapag kumpleto na ang iyong requirements ay pumunta lang sa pinaka malapit na CTBC bank sa inyong lugar at sabihin sa guard na mag apply ka ng loan, hindi kana pipila dahil ididiretso kana sa customer service.

Once na nasubmit mo na ay panatilihin i check ang iyong email kung meron ng updates, huwag din i silent ang cellphone para kung tumawag ang banko ay agad mo itong masasagot at hindi mamissed. 

Once na approved na ang loan, saan nila ito ididisburse?
  • Pwede nila itong i disburse sa iyong CTBC bank account if meron kana.
  • Pwede din sa other back account
  • Via Manager's check
  • Or pwede din namang Over-the-Counter.


Tandaan:

Dalhin din ang mga original copy ng mga documents na nabanggit sa taas, dahil minsan ay nirerequire ito sa banko.

Walang processing fee ay hihingan sa inyo kapag magsusubmit palang kayo ng application, kung sinisingil kayo ay ireport agad ito sa manager sa banko. Ang processing fee ay ikakaltas pa lamang once na approved ang loan na iyong inapply.

Para di ka madelay or ma penalty ay panatilihing magbayad or i settle ang iyong loan payment 3 business days bago ang iyong due date. 

Post a Comment

Previous Post Next Post