Paano mag apply ng loan sa Puregold?
Stress kana ba sa mga utang at bills na kailangan mong bayaran ngunit hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pera pambayad? Andiyan ang mga banko na nag ooffer ng loan, pero hindyi lahat ay agad na approved dahil sa higpit ng policy ng mga banko. Magandang mag apply ng loan sa mga banko dahil sa mababang interest rate nila at long payment terms, tiyak na hinding hindi ka mahihirapan sa monthly payment mo.
Kung lagi ka nalang declined sa mga bank loan, ay subukan mong mag apply ng loan sa Puregold finance, yes! tama ang iyong nabasa dahil sa puregold pwede ka nadin maka utang ng pera, kung dati ay alam lang nating bilihan ng mga pagkain ang puregold ay ibahin niyo ngayon dahil pwede kana din makapag apply ng loan kung magtatayo ka ng maliit na negosyo or may pang gagamitan ka sa pera na iyong hihiramin. Nag simulang mag pa loan ang puregold noong 2018, at hanggang ngayon ay madami silang natutulungan.
Napakadali lamang mag apply ng loan sa Puregold, hindi kailangan ng mataas na sahod para maging qualify ka para makapag loan sa puregold hindi tulad sa iba na kailangan ay 30,000 and above ang iyong sahod sa isang buwan para makapag apply ng loan.
Puregold loan details:
- Pwede kang mag loan from 10,000 up to 1 Million pesos (depends on your monthly income and the loan amount that will be approved)
- No collateral needed.
- Processing time na umaabot hanggang 2 weeks.
- No hidden charges.
- Required monthly salary is 10,000 only.
Eto ang sample computation:
Kunwari ay nakapag loan ka ng 30,000 pesos from puregold finance, at gusto mo itong bayaran ng 12 month (2times a month) Ang iyong monthly payment ay 2,400 pesos (1,700 kinsenas) Kung i co-compute ang total amount na iyong babayaran sa loob ng 12 months, ito ay 40,800 pesos. Bale ang total interest ay 10,800 pesos. Hindi na masama diba? sa loob ng 12 months.
Ano ang mga requirements para makapag loan sa Puregold?
- kailangan ay 1 year o higit kanang nagtatrabaho.
- Photocopy ng iyong SSS ID
- Photocopy ng iyong Government Issued ID (Front and Back)
- Original Copy ng iyong Certificate of Employment (COE)
- Photocopy ng iyong Latest Bank statement (Personal account)
- Photocopy ng iyong Latest Payslip
- Proof of billing (electric, water, internet or postpaid bill)
- 4 2x2 picture with signature.
- Post-Dated Check payment (upon appoval of the loan)
- Need a co-maker
Paano nga ba mag apply ng loan sa Puregold?
Eto ang apat na gagawin para makapag apply ka ng loan sa puregold.
1. Una ay i download ang loan application form na galing sa puregold website - www.puregold-finance.com.ph, sagutan lamang ito ng tama at malinaw na pagkakasulat. Tandaan na kailangan ay tama at hindi fake info na ilalagay mo sa form, dahil once na fake info ang iyong ilalagay ay paniguradong declined ang iyong loan application.
Para ma download ang puregold loan application form, pumunta lang sa puregold website - www.puregold-finance.com.ph > i click ang download icon.
2. Pangalawa, i handa ang iyong mga requirements na nabanggit sa taas, alam naman natin na kahit saang banko or lending company, kapag mag aapply tayo ng loan, ay may mga requirements na isusubmit.
3. Kapag kumpleto na ang iyong mga requirements and nafill up'an mo na ang puregold application form ay pumunta lang sa pinaka malapit na puregold branch sa inyong lugar, at pumunta sa customer service at sabihin na ikaw ang mag apply ng loan.
4. Kung tinatamad ka namang pumunta sa mismong branch na puregold, ay pwede ka din namang mag apply ng loan sa puregold online website.
Pumunta lang sa kanilang website > www.puregold-finance.com.ph
I select ang branch ng puregold na malapit sa inyo, ilagay ang iyong full name at email address, at ang pang huli ay picturan ang loan form application form na iyong sinagutan at i click ang choose file at i select ang picture ng loan form application form na iyong sinagutan.
Once na nasubmit mo na ay hintayin lamang ang update ng puregold representative regarding sa iyong mga requirements at kung ano ang iyong gagawin.
Kapag na submit mo na lahat, tulad ng mga requirements at loan form application ay i rereview na ng puregold ay iyong loan application kung i approved ba nila ito.
Maghintay ng tawag ng puregold representative for verification and advise, laging i check ang cellphone at huwag i silent. Dahil once na mamissed mo ang tawag nila, ay mas tatagal maprocess ang iyong loan.
Inaabot madalas ang processing time ng dalawang linggo, basta tama at malinaw lahat ang sinulat mo sa loan form, at syemre masagot mo ang kanilang tawag for verification.
Once na approved ka ay pwede mo nang ma iclaim ang iyong loan amount via cheque, huwag kang mag alala dahil i aassist ka naman ng puregold representative na malapit sa inyong puregold branch.