How to apply cash loan in Home Credit?

How to apply cash loan in Home Credit?

How to apply cash loan in Home Credit?


Kung gadget or appliances loan lang naman ang pinag uusapan, Home credit panigurado ang number 1 diyan. Dahil sa home credit kung may gusto kang bilhin na appliances or gamit sa bahay ay pwede mo na itong makamit sa pamamagitan lamang ng pag utang sa home credit. Buwan buwan mo itong babayaran sa kanila. Minsan mag dodownpayment ka lang ay maari mo ng mauwi ang item na iyong nagugustuhang makamit, minsan naman ay mga offer sila na 0% down payment. At ang pinaka maganda ay ang processing time ay inaabot lang ng 1 minute, ibig sabihin lang ay mabilis sila magprocess. Ayos diba? Laking tulong talaga ng Home credit sa mga kapos sa pera na gustong magkaroon ng mga gadgets or appliances na inaasam. 

Pero di lang yan, dahil may bagong features ang home credit at ang isa na diyan ay ang Cash loan, laking tulong neto sa mga taong kailangan ng pera para makabayad ng bills o kaya naman gustong mag tayo ng negosyo.

Ano ba ang mga requirements sa Home Credit para makapag loan ng product?
  • Kailangan ay 18 years old and above ang iyong edad.
  • Filipino citizen
  • Kailangan din ng 2 Valid ID
  • Downpayment (kung hindi 0% downpayment ang iyong item na i ce-credit)
Eto ang sample computation/home credit loan calculator, para magkaroon kayo ng ideya kung magkano ang monthly na iyong babayaran.

How to apply cash loan in Home Credit?

Sinet namin sa 13,000 pesos ang presyo ng item na iyong i cecredit, at nag downpayment ka ng 5,147 pesos. And gusto mo itong bayaran sa loob ng 12 months, bale ang monthly payment mo ay 675 pesos lamang. Sobrang baba hindi ba? Hinding hindi ka mahihirapan sa bayaran.

Paano ba mag loan ng item sa Home credit?
Napakadali lamang, dalhin ang mga requirements na nabanggit sa taas at pumunta sa mall kung saan mo gustong bilhin ang gadget or appliance na iyong minimithi. Itanong sa sales lady or assistant kung nag aaccept sila ng home credit, kapag yes ay tatawagin nila ang agent ng home credit para i explain sa iyo kung anu ano ang mga proseso, huwag kang mag alala. I gu guide ka naman nila. Ganun lang kadali.

Para macheck ang iyong loan details, iinstall lang ang home credit app sa iyong phone. Doon din makikita ang iyong account number once na magbabayad kana ng iyong monthly payment. 

Ang kagandahan sa Home credit ay kapag once good payer ka ay mawewaive ang iyong last payment, ibig sabihin ay libre o hindi mo na babayaran ang iyong last payment, tulad ng nangyari sa akin noong nagcredit ako ng appliance. At legit nga, na waived ang last payment ko. 

How to apply cash loan in Home Credit?
How to apply cash loan in Home Credit?


Tandaan: Maging good payer para mag qualify ka sa waived last payment, huwag pa late payment. Atleast 3 days before ng iyong due date ay magbayad na kayo. Dahil once na nalate payment ka kahit minsan lang ay hindi kana qualify sa free last payment.

Paano naman mag cash loan sa Home credit?

Hindi ganoon kadali maging qualify para sa cash loan sa home credit, kailangan mo munang magkaroon ng good credit history sa kanila. Dapat ay nakapag avail ka na ng gadget or appliance loan sa kanila at natapos mo itong bayaran, hindi nagka late payment at delay sa kanila. Pwede kang makapag cash loan sa Home credit in just 1 minute, no hidden charges.

Ano nga ba ang mga requirements para makapag cash loan sa Home credit?

  • Atleast 18 years old and above.
  • Filipino Citizen
  • Kailangan ay mayroon kang finished and paid product loan sa home credit.
  • Kailangan ay may good credit history sa Home credit (no late payment or delay)
  • 1 Valid Government ID

Paano malalaman kung qualified ka for Cash loan sa Home credit?

Pumunta lang sa app > home, at doon sa my offers ay tignan kung mayroon ng offer ng cash loan ang home credit sa iyo. Pwede din naman mag walk in sa pinaka malapit na Home credit stall/branch sa inyong lugar. Minsan kasi qualified kana pero hindi lang nagrereflect sa home credit app.

How to apply cash loan in Home Credit?


Tips:

Kung sa kasalukuyan ay mayroon kang product loan sa home credit, panatilihin lang ang pag bayad ng monthly payment ng maaga, 3 days before your due date ay magbayad kana para hindi ka macount as late payment, dahil once na may good credit history ka ay mas mataas ang chance na ma offeran ka ng cash loan ng Home credit.

Post a Comment

Previous Post Next Post