How to apply loan in BPI online?
Kung usapang loan lang naman, ang advisable kung saan mas okay mag apply ng loan ay sa Banko, dahil secured, mababa ang interest at matagal ang payment terms na kanilang inooffer. Hindi tulad sa ibang mga OLA or lending apps online, sa sobrang taas at laki ng interest na pinapatong nila ay ilang araw lang din ang payment terms, minsan 7 days nga lang e. Napakahirap nun kung sa OLA ka uutang, pero hindi natin masisisi ang mga taong kumakapit sa mga OLA, lalo na't baka kailangan na kailangan na talaga nila ng pera. Ang malungkot nga lang ay karamihan ay nadedelay sa payment dahil nga sa 7 days nga lang ang payment terms, akalain mo yun kaka utang mo lang tpos uutang ka ulit sa iba para pambayad? Kaya nagiging bunga neto ay pamamahiya ng mga pasaway na OLA or Shark loans.
Kung sa banko ka mag apply ng loan, subukan mong mag apply ng loan sa BPI bank oine. Dahil sa bilis nila magprocess ng loan application, minimal requirements, at mababa lang din ang interest na pinapatong ng banko.
Eto ang sample computation/calculation ng magka idea kayo kung magkano ang inyong monthly payment and kung magkano ang kabuuan ng interest.
Paano nga ba mag apply ng loan sa BPI?
May dalawang cash loan na pwedeng applyan sa BPI bank online, andyan ang mga sumusunod:
1. SALARY LOAN
- Kung accredited partner ang inyong company ay sila na ang magpoprocess ng iyong loan, once na approved ka for cash loan ay i sa'salary deduct nila ito sa iyong payroll.
Salary loan details:
- Pwedeng mag loan ng 10,000 pesos up to 1 Million pesos
- Low monthly add-on rate (offered exclusively to your employees)
- Flexible payment terms (12, 18, 24, 30 or 36 months)
- Minimal requirements
Tags:
Loan