Paano mag apply ng loan sa Billease app?

Paano mag apply ng loan sa Billease app?

 
Paano mag apply ng loan sa Billease app?

Sa hirap ng buhay ngayon di natin maiwasan na makapang utang sa mga kaibigan at kamag anak natin, pero pano naman kung maging sila ay hirap din sa buhay? Saan ka uutang ng pera? Huwag kang mag alala, dahil pwedeng pwede kana ngayon maka utang sa mga online lending apps na nasa play store. At ang isa na diyan ay ang Billease app, kung saan pwede kang mangutang or mag loan ng halagang 1,000 pataas. Pero di lahat ng online lending apps ay legit kahit na nasa Google play store na ang mga ito. Dahil ang ilan ay shark loans lamang, matinding pamamahiya ay dala nila once na hindi ka nakapag bayad, minsan pa nga ay kahit na delay ka lang ng ilaw araw sa pag bayad ay todong pamamahiya na ang gagawin sayo.

Kung hanap mo ay legit na online lending app na pwedeng mag apply ng loan ay subukan mo na ang Billease app, based on my experience maganda ang lending app na ito, dahil hindi namamahiya ang mga agents nila, natry ko ng madelay ng payment pero hindi nila ako hinarass. At ang maganda pa sa Billease ay mahaba or matagal ang kanilang payment terms ana binibigay. Ang akin ay 3 months to pay ang loan payment terms na binigay sa akin. 
 
Kung familiar ka sa "buy now, pay later" tulad ng sa mga credit card, ay parang ganito din ang Billease app, kung may gusto kang bilhin sa mall or online shops pwedeng pwede mong magamit ang Billease app sa pag bayad lalo na kung wala kapang pera or sa katapusan pa ang iyong sahod. Laking tulong ng Billease app sa panahong may gusto or kailangan kang bilhin tulad ng pagkain pero wala ka naman pera. 
 
Ang tanong, pwede ka rin bang maka pag loan ng pera sa Billease? Yes! pwedeng pwede, dahil may cash loan feature ang billease app. 

Eto ang sample computation ng aking 1st loan na inoffer sa akin ng Billease app.

Ang first loan amount na inapproved sa akin ng Billease, ay 4,000 credit limit. Ang amount na nakuha ko via Gcash ay 3,600 pesos lang, at 3 months ang payment terms. 

Pano mag apply ng loan sa Billease app?

Makikita sa picture na, 3 months ang payment terms na binigay sa akin. 1,473 pesos ang monthly payment. Kung icocompute lahat, ang kabuuuan ay 4,419 pesos (1,473 x 3 month) Ang total interest sa 3,600 pesos na nakuha ko sa Billease ay 819 pesos lang. Diba okay na din sa loob ng 3 months? Mababa na compare sa mga ibang lending apps diyan na minsan 7 days lang ang payment terms nila.

Anu nga ba ang mga requirments kung mag a apply ng loan sa Billease app?


Kailangan ay 18 years old and above ang iyong edad.

Latest proof of income tulad ng;
  • If employed, Payslip at company ID
  • Upwork COE (kapag freelancer)
  • Paypal transaction history
  • Screenshot of Bank transaction history
  • Remittance Slips

Latest proof of billing tulad ng;
  • Water bill
  • Credit card bill
  • Electric bill
  • Cable TV bill
  • Postpaid bill

At syempre, 1 valid government ID tulad ng;
  • Driver's License
  • PRD ID
  • Voter's ID
  • Senior Citizen ID
  • UMID
  • Passport
  • NBI clearance
  • National or Philsys ID
  • Integrated Bar ID
  • SSS ID
  • GSIS ID
  • Immigration ID

Paano nga ba mag apply ng loan sa Billease app?


Eto ang ilan sa mga gagawin para makapag loan ng cash sa Billease app. 

1. Pumunta sa Google play store, at i install ang Bilease app sa iyong phone. 

2. Once na natapos mo ng mainstall ang app ay sagutin lamang ang form, tandaan ay sagutin ito ng tama. Dahil once na mali mali, or fake info ay nilagay mo ay mababa ang chance na ma approved ka.

3. I ready lang at siguraduhin mayroon sa mga requirements na nabanggit sa itaas. 

4. Kapag nasubmit mo na ang lahat ng kailangang requirements at nasagutan mo na fin lahat ng kailangan sagutan, ay isubmit mo lamang ito at ng ma icheck na ng Billease kung qualified ka nga ba for loan or credit limit.

Minsan ay tumatagal lang ng 5 minutes ang processing time ng loan sa Billease app, pero minsan din naman ay umaabot ng 1-3 days. 

Kung maapproved ka ay makakareceive ka ng text message from Billease, pero pwede din naman itong ma check sa mismong Billease app, pumunta lang sa home, at mayroon kang makikitang messages.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?
Pano mag apply ng loan sa Billease app?


Once na approved ka for Credit limit, paano naman i ce-claim ang cash loan sa billease? 

Kapag new user ka ng Billease app, madalas ay hindi kapa qualified for cash loan, pero huwag kang mag alala dahil mayroon parin paraan para ma encash mo ang iyong credit limit amount.

Pumunta lang sa home, i click ang e wallet.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?


Pwede mong ma transfer ang credit amount mo via Gcash, Paymaya, GrabPay, Coins.ph, Shopee and Bayad.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?

Dahil karamihan sa atin ay may gcash account, tinransfer ko ang credit amount sa aking gcash account. I click lamang ang gcash at ilagay ang number ng iyong gcash kung saan mo i tatransfer ang iyong credit amount.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?

Tandaan: I double check ang phone number or gcash number para hindi na magka problema once na i sesend na iyong credit amount.

Dahil 4,000 ang credit limit na inoffer sa akin ng Billease, 3,600 pesos lang ang marereceived ko sa aking gcash account. 

Ikaw din ang mag seset kung kailangan mo gustong bayaran ang iyong cash loan, pwede mong i set from 2 months - 3 months. At kung Twice a month or montly mo ba ito babayaran. Pero para hindi ako mahirapan ay sinet ko ito ng 3 months payment terms at monthly. So ang aking monthly installment ay 1,473 pesos.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?

Kapag happy ka sa computation or gusto mong pag patuloy ang iyong loan ay pindutin mo lang ang continue, at diyan na lalabas ang summary or computation ng iyong loan details. Nakalagay din sa details ang date kung anong araw mo kailangan bayaran ang iyong monthly payment, due date kumbaga. Kung gustong magpatuloy ay i click lang ulit ang Continue button.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?


Siguraduhin mo ring basahin ang loan agreement bago mo i continue ang iyong loan. Mainam din ito para magkaroon ka ng ideya sa mga due date na namissed at kung mag kano ang penalty fee at interest kung sakaling ikaw ay ma late payment.

Pano mag apply ng loan sa Billease app?


I click lang ang confirm with pin kung gusto mong ipagpatuloy ang loan. 

Once na nasubmit mo na ay maghintay lang ng ilang minuto, para madisburse ng billease ang iyong credit amount sa iyong gcash account. Ang kagandahan sa Billease ay napakabilis lang netong mag disburse ng pera, hindi tulad sa ibang lending app na inaabot ng isang araw at higit pa, paano na lang kung urgent mong kailangan ang pera diba? Kaya the best talaga ang Billease app.

Paano malalaman kung nadisburse na ang loan or pera sa iyong gcash account?

Makaka receive ka ng text message from billease na nadisburse na nila ang pera sa iyong gcash account. 

Pano mag apply ng loan sa Billease app?


Maari mo din ma check sa mismong Billease app, pumunta lang sa home > scroll down at may makikita kang messages. 

Pano mag apply ng loan sa Billease app?



Post a Comment

Previous Post Next Post