Paano mag apply ng loan sa Shopee app?
Sa dinami dami na ng lending apps online ngayon, hindi mo na alam kung anu nga ba ang sulit applyan ng loan at kung ano ang legit na registered sa SEC, pero minsan nga kahit registered na sa SEC ay ilegal padin ang iba, sobra sobra kung mamahiya pag na delay lang sa payment at sa taas mag patong ng interest.
Lahat naman siguro tayo alam kung ano ang shopee app di ba? lalong lalo na sa mga mahihilig mag online shopping diyan panigurado alam na alam ang app na ito. Pero alam niyo ba na pwede nadin mag apply loan sa shopee? Yes! Dahil may bagong features ngayon ang app kung saan pwede kang mag loan na pwede mong pambayad sa mga bibilhing products sa mismong app.
Pwede mo bang ma encash ang loan amout from shopee loan to Gcash? Yes, pwedeng pwede. Laking tulong neto sa mga taong gipit, dahil pwede nila itong pambayad ng mga bills okaya naman pang tayo ng negosyo. Kung mahilig ka naman mag add to cart, ay pwede mo din itong magamit pambayad, ibig sabihin kung wala kapang sahod ay pwede mong mabili ang product na gusto mo gamit ang shopee loan at bayaran nalang once na dumating ang iyong sahod.
Ang bagong feature na aming tinutukoy na kung saan pwede kang mag apply ng loan sa Shopee ay Sloan, sa pangalan palang ng bagong feature ay alam mo na agad kung ano ang ibig sabihin neto. Kung mag aapply ka ng loan sa shopee at na approved ka, ang loan amount mo ay mapupunta sa iyong shopeepay wallet na kung saan pwede mong magamit pambili sa mga online store sa mismong app, pambayad ng bills, pag bili ng load at pwede din itong iwidthraw or i cash out.
Loan product details:
- Ang minimum loan amout na pwede mong hiramin ay from 2,500 pesos up to 50,000 pesos.
- Kailangan ay 18 years and above ang iyong edad.
- Kailangan active at verified ang iyong shopeewallet.
- Payment terms available - 2, 3, 6 or 12 months. (6 & 12 months for selected users only)
Para maverify ang iyong shopeepay wallet kailangan mo lamang ng isang valid government ID, tulad ng mga sumusunod:
List of ID accepted.
- Passport
- National or Philsys ID
- Driver's license
- Postal ID
- UMID
- PRC ID
Kung wala ka sa mga nabanggit, magtanong lamang sa customer service, kung ano ang pwede alternatibo pang activate ng shopeewallet/account.
Paano nga ba mag apply ng loan sa shopee app?
Napakadali lang mag apply ng loan na shopee, hindi gaya sa ibang lending app online na kailangan pa ng maraming requirements, mataas na salary at sobrang tagal ng approval or processing time.
Kung wala kapang shopee app, install mo lamang ang app galing sa play store, libre lamang ito. Sa pag gawa naman ng shopee account ay napakadali lang din, pwede mong gamitin ang iyong phone number para makagawa ng shopee account, pwede din naman i connect mo nlng ang iyong facebook account. Kahit ano sa dalawa na yan ay mas safe, dahil kung iyon at iyon nalang din ang phone number na gagamitin mo ay safe ito, pareho lang din sa facebook.
Kung nadownload, install mo na ang app, at nakagawa ka na ng shopee account ay kailangan na nating i activate ang Sloan feature, bukod sa shopeewallet ay kailangan din natin i activate ang sloan, dahil doon nga tayo magpoprocess ng cash loan.
Para macheck kung activate na ang iyong sloan feature, i click lang ang profile or me tab, at sa baba ng my wallet ay matatagpuan ang Sloan, at sa gilid neto ay may nakalagay na Get up to 50,000.
Pero kung wala naman nakalitaw na Sloan sa iyong me tab, ay pumunta lang sa home tab ng shopee app, i scroll lang from right to left, hanapin ang Finance at i click ito.
Kung wala pang Sloan sa financial products, isa lamang ang ibig sabihin niyan, hindi kapa qualify sa sloan or loan na offer ng shopee app. Ang tips diyan para maging qualify ka ay lagi mong gamitin ang app, kung kaya ay laging mag order ng products na iyong kailangan. Dahil karamihan sa mga inoofferan ng loan ng shopee ay yung kanilang mga active and loyal customers.
Pero kung meron ng Sloan sa iyong Financial products, sinuswerte ka dahil qualified ka for a loan sa shopee app. I click lamang ito ng masimulan mo ng ma ativate ang iyong sloan.
Pagkatapos mong pindutin ang activate now button, ay mag sesend ng text message ang shopee sayo na naglalaman ng verification code. Ilagay lamang ito, at i click ang next button para magpatuloy.
government id na nabanggit sa taas. Picturan lamang ito at i upload, i click lang ang upload your (kung anong id ang iyong isusubmit) icon.
- Kailangan ay hindi expired ang ID na iyong isusubmit.
- Kailangan ay malinaw din ang pagpapakuha ng ID (hindi blurred)
- Kailangan ay walang sikat ng araw ang tatama sa ID once na pipicturan mo ito.
- Kailangan ay maliwanag din ang kuha.
Gawin lamang ang mga iyan para hindi na mahassle ang mag checheck ng iyong loan application, ikaw din baka magpabalik balik dahil lang sa pag submit ng ID.
Kapag tapos mo ng i submit ang iyong valid government id, ay kailangan mo din gawin ang mga sumusunod;
- I upload ang proof of residence address (pwede diyan ang electric, water or internet bill basta nakalagay doon ang kumpletong address na kasalukuyan niyong tinitirhan)
- I link ang iyong Facebook account. (for verification lang ito ng shopee, kailangan nilang makasigurado na ikaw nga ang nag apply)
- I upload ang iyong proof of income (pwede dito ang latest payslips, certificate of employment with compensation, ITR at latest bank transaction history.
Kapag nagawa mo ang tatlong iyan ay may additional up to 10,000 ang iyong limit na makukuha. I click lang ang next button para magpatuloy.
Sagutan lamang ang application form (personal info) sagutan ito ng tama, dahil once na fake info ang ilalagay mo ay panigurado ay declined ka.
Panatilihing magbasa din ng terms and conditions at privacy policy nang saganon ay aware ka sa mga rules and anong pwedeng mangyari once madelay ka sa payment or hindi ka makabayad. Kung happy ka naman sa nabasa mo, ay i check ang dalawang box tulad ng nasa litrato at i click ang confirm.
Ang susunod at huling gagawin ay ang facial or selfie verification, huwag kang mag alala dahil safe naman ang iyong information kay shopee. Ginagawa lang ito ng shopee, ng makasigurado na ikaw mismo ang nag apply at hindi kung sinu sino or robot.
May instruction din naman na lilitaw sa screen kung ano ang iyong mga gagawin kapag mag start na ang iyong selfie verification, para magpatuloy ay i click lang ang start facial verification button.
Once na natapos mo nang sagutin at gawin lahat ng requirments ay i checheck na iyong ng shopee, titignan kung qualify kaba for cash loan or hindi. Maghintay lamang ng text message or update galing shopee sa loob ng 24 oras.
Tips:
- Ilagay ang tamang info once na sasagot sa mga form.
- Panatilihing malinaw at maayos ang mga picture na isusubmit tulad ng valid ID