Paano mag loan sa SPayLater ng Shopee?

Paano mag loan sa SPayLater ng Shopee?

Paano mag loan sa SPayLater ng Shopee?

Hanap mo ba ay buy now, pay later na app? Rejected ka sa Billease at Tendo pay? Pwes ang post na ito ay para sayo, dahil may bagong feature ang shopee na kung saan pwede kang mag loan para magamit pambili ng item dito kapag wala kang extra budget o hindi mo pa sahod at ito ay ang Spaylater. Pwede mong bayaran ang loan kapag meron kanang pera, buy now, pay later kumbaga.

Minsan anlakas talaga mambudol ng shopee app, may makita lang sa app na gamit na maganda, mauudyok ka talagang i add to cart ito, minsan kahit iwasan mo nang i open ang shopee app para makatipid ay nagkalat padin sa twitter at facebook ang mga shopee products. Anlakas makabudol.

Isa na ata ang Shopee app sa pinaka sikat na online shopping app sa mundo na kung saan karamihan sa ating mga pangangailangan ay mabibili na. Less hassle pa dahil kahit nasa bahay ka lang at may internet connection ay makakapag order kana, hindi mo na kailangan pang pumunta sa mall or kung saan mo man gustong bilhin ang gamit na kakailanganin mo. Lahat inaabangan talaga ang mga pa free vouchers sa shopee app dahil laking tipid nga naman minsan ng mga vouchers, anjan ang mga % off at free shipping. 

Pero paano naman if may kailangan kang bilhin na importante sa shopee app, pero wala kang pera?

Huwag kang mag alala, dahil sa Shopee app binibigyan nila ang ilan sa mga selected user nang karapatan para i buy now, pay later ang item kung gugustuhin nila.


Spaylater loan details:

  • Pwedeng magloan up to 10,000 pesos.
  • May processing fee na 0-2% per transaction.
  • May payment terms na up to 12 months. (payable up to 12 months)
  • May interest rate na 1-5% per month sa bawat kabuuan ng order (pero magbabase padin sila sa iyong personal credit profile)
  • Mayroon ding 2.5-5% penalty fee once na malate kang magbayad ng iyong credit loan.

Ano ba ang requirements para makapag loan sa SPayLater app?

  • Kailangan ay 21 years old pataas ang iyong edad.
  • 1 Valid Government ID
List of accepted valid IDs;
  • Passport
  • Driver's License
  • Philhealth ID
  • UMID
  • PRC ID
  • SSS ID
  • OFW ID
  • Postal ID
  • Alien Certification of Registration
  • National or Philsys ID
  • NBI Clearance

Kung menor de edad ka naman (13-17 years old) ay kailangan mag submit ang iyong guardian/parent ng mga sumusunod;
  • Latest enrollment form.
  • Student ID
  • Parental consent form.
  • Birth Certificate
  • Proof of legal guardianship.
Picturan ang mga nasabing requirements sa minor consent form sa shopee 👇 (https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScjt4GQbQ3B1I341MrGrXA2fM8UhgElYLCrskJ5GmjGkx93PA/viewform?previousPage=other%20artic)

Paano nga ba mag apply ng loan sa SPayLater?


1. Syempre, kailangan mo ng shopee app. Pumunta lang sa Google Playstore at i search ang Shopee at iyong iinstall.

2. Pagkatapos mong ma install ang app, I open ang ito at i click ang me tab bandang baba.



3. Mag scroll down, at sa ilalim ng "my wallet" ay makikita mo ang SPayLater. Kapag meron ng SpayLater sa iyong me tab, nangangahulugan lamang iyan na qualified ka for loan.




4. Pero kung wala naman ay huwag kang mag alala, pumunta lang sa home tab. I scroll from right to left, hanapin ang finance (peso logo) at i click.



5. Kapag walang SPayLater sa iyong Financial products, ibig sabihin lamang niyan ay hindi kapa talaga qualified for loan sa SPayLater.



Paano maging qualify for loan sa SPayLater ng Shopee?

- Madali lang yan, laging gamitin ang shopee app sa pag buy ng products, pag bili ng load at transfer ng pera.

Paano naman if qualified ka for loan sa SPayLater sa Shopee?


kapag mayroon kanang nakikitang SPayLater (Buy now, Pay later) sa iyong me tab, Congrats! ibig sabihin lamang na qualified ka para makapag loan sa SPayLater.

1. Verified Shopeepay wallet
- kailangan ay verified ang iyong shopeepay wallet. Para macheck kung verified na ito, pumunta lang sa me tab, hanapin ang shopee pay  at i click ito.




Kung hindi pa ay mag submit lamang ng isang valid government id na nabanggit sa mga requirements sa taas, at maghintay ng updates galing sa Shopee team kung verified na or hindi.


2. I fill out lamang ang form
tandaan: ilagay lang ang tamang details, huwag mong ilagay ang fake info dahil madedeclined ka lang.

3. I submit ang iyong valid government ID.
Tandaan:
  • Kailangan ay hindi pa expired ang iyong ID.
  • Malinaw ang pagkakakuha
  • Alisin ang plastic case ng iyong ID kung mayroon man.
  • Siguraduhin lang na match ang ID number sa iyong finill out na form.
4. Selfie Verification
- kailangan mo lamang mag selfie at gawin ang instruction na lilitaw sa screen.
Tandaan:
  • Kailangan ay maliwanag sa lugar na kung nasaan ka.
  • Presentable ay iyong suot na damit. (bawal ang nakahubad)
Once na matapos mo na ang lahat ng gagawin, ay maghintay lamang ng updates or text message from Shopee kung approved ka ba or hindi sa loob ng 24 oras.


Pwede bang i cash out ang SPayLater amount once na maapproved ang iyong loan application?

- Hindi, dahil pwede mo lang ito sa pag bili ng mga products na nasa shopee (except bumili ng prepaid load or data, mga alahas at gadgets gaya ng cellphone)

Kung hanap mo ay Cash loan sa Shopee, ay pwede mong subukan ang Sloan. Dahil sa Sloan, ay pwede mong ma i cash out ang iyong mahihiram.


Eto pa ang ilan sa mga tips para mag qualify ka for SPayLater or Sloan sa shopee app;
  • Kailangan ay active user or buyer ka sa shopee ng mga items.
  • Mag buy din ng load, pay bills at bank transfer, dahil nakakatulong din to para maging qualified ka for a loan sa shopee.
  • Gumamit ng tunay na info kung gagawa ng shopee acount or kapag mag fill out ng form.


⚠️TANDAAN

  • Hindi pwedeng i cash out ang mahihiram sa SPayLater, kung gusto mong makapag loan ng cash sa Shopee ay pwede mong subukan ang SLoan, isa din itong new feature ng shopee na kung saan pwede ka makapag loan ng cash.
  • Ang SPayLater ay para lamang sa isang user, hindi pwede ang multi account. 
  • Hindi pwedeng gamitin ang SPayLater sa mga voucher category,  pambili ng mga gadgets tulad ng cellphone at mga alahas.
  • Hindi ito pwedeng i pambili ng mobile load.

Post a Comment

Previous Post Next Post