Paano mag apply ng loan sa Paymaya o Maya bank?
May mga araw talagang na shoshort or kinakapos tayo ng budget, buti nalang ay kahit papano andiyan ang mga lending apps para tumulong, pero di lahat legit or legal. Dahil may mga pasaway padin na mga lending apps na tinatawag na loan sharks, na kung saan ay grabeng pamamahiya ang dulot nila sa mga nang uutang na hindi pa makabayad or nadelay sa payment.
Totoo nga bang pwede nga bang mag apply ng loan sa Paymaya o Maya bank? Yes! dahil may bagong feature ngayon sa Maya bank na credit, ibig sabihin lamang neto ay nag ooffer sila ng credit or loan na pwede i avail anytime, anywhere. Kung legit lang naman ang pag uusapan, isa na siguro ang maya o paymaya app sa isa sa mga legit lending apps in the Philippines.
Kung hanap mo ay legit na lending app, ang maiirerekomenda ko ay ang Paymaya o Maya bank, kung familiar ka sa Gcash wallet ay parang ganito din ang gamit neto. Pwede mong gamitin as savings account, pag buy ng load, pag bayad ng bills and government contritbution, okaya naman ay pwede maglaro or mag invest ng crypto. Tulad sa Gcash, ay mayroon nading crypto sa Paymaya or Maya bank.
Maya/Paymaya loan details:
- Pwedeng makapag loan up to 15,000 pesos
- No collateral need.
- Processing time can take up to 60 seconds only/1 minute.
Heto ang sample computation para magkaroon kayo ng ideya kung magkano ang interest rate kapag mag lo-loan kayo sa Paymaya or Maya bank:
kunwari ang total amount na iyong ginamit sa iyong credit ay 1,000 pesos. Ang service fee charged ay 5% ng iyong nagamit na limit/loan, bale 50 pesos iyon. + Documentary Stamp Tax na 0.62 pesos. At assuming na delay payment ka ng 5 days (0.17% x overdue principal balance x days ng late payment mo) = 8.50 pesos.
1,000
50
0.62
+ 8.50
= 1,059.12 pesos = total amount due.
Wala kapa bang Maya account?
Ano nga ba ang mga requirements para makapag loan sa Paymaya o Maya bank?
1. Kailangan ay iyong edad ay 21 years old up to 65 years old lamang.
- Kahit saang lending apps naman, ang pwede lang makapag avail ng loan ay ang may edad na 21 years old pataas, dahil sa edad neto kadalasan ay may mga trabaho na.
2. Valid Government ID
- yes, kailangan ng valid government issued ID para ipang verified ng iyong account. Kailangan din kasi na fully verified ang iyong maya account para maka avail ng loan dito.
List of accepted ID's
Atleast 1 primary ID tulad ng mga sumusunod;
- Passport
- Postal ID (Issued 2015 onwards)
- UMID
- PRC ID
- Driver's License
- NBI Clearance
- SSS ID
- National or Philsys ID
- Government Office & GOCC ID
- IBP
Kung wala ka ni isang primary ID, magsubmit ng 2 valid Secondary ID's tulad ng mga sumusunod;
- Senior Citizen Card
- Philhealth ID
- Voters ID
- TIN ID
- GSIS
- OWWA ID
- Police Clearance
3. Upgraded Maya account
- gaya ng sabi kailangan ay upgraded or fully verified ang iyong maya account para makapag avail ka ng loan dito.
4. Active user for the past six months
- kailangan ay active user ng kana ng paymaya/maya sa loob ng 6 months or higit pa.
5. Good Credit standing
- Kahit saang legit lending apps, kailangan ay may good credit history ka sa ibang mga lending apps or bangko. Kailangan ay wala kang bad records sa iyong mga previous loans or credits.
Paano malalaman kung qualified ka for a loan or credit sa Paymaya o Maya bank?
- napakadali lang niyan, iopen lamang ang maya app, hanapin ang credit tab sa itaas at i click ito.
Ano nga ba ang gagawin para maging qualify ka? eto ang ilang tips;
- Kailangan ay gamitin mo ang iyong maya account sa iyong mga transactions online pambili ng load, pambayad ng bills, pag transfer to bank.
- Kailangan ay activer user ka sa loob ng atleast 6 months. It means, mababa ang chance neto sa mga new user.
- Nakakatulong din ang pag invest ng crypto currency para maging qualified ka for a loan sa paymaya o maya bank.
Pero paano naman kung qualified kana at meron na sa iyong credit tab? Ibig sabihin lang niyan ay qualified kana at nameet mo ang requirements para makapag loan.
Eto ang 3 easy steps kung paano mag loan sa Paymaya o maya bank:
1. Pumunta sa credit tab, i click ang sign up for maya credit button.
2. I check ang iyong egilibility at credit limit, i click ang "active now" button para magpatuloy.
3. At yun, okay na! ganun lang kadaling mag apply ng loan sa Paymaya or maya app. Pwede mo nang magamit ang iyong credit amount pambayad ng load, bills at pag upgrade ng iyong cellphone at iba pa.