Paano mag apply ng loan sa Security Bank?
Ang pinaka the best talaga na pwedeng utangan kapag nangangailangan ng pera pambayad ng bills, pantayo ng negosyo at kung anu ano pa ay ang banko, dahil sa baba ng mga interest rate at matagal na payment terms ay hindi hinding ka mahihirapan sa iyong monthly payment. Hindi tulad sa mga online lending apps na kung magpatong ng interest ay daig pa ang bumbay o 5-6, ang pinaka masaklap pa ay pamamahiya na ginagawa nila kapag na late payment or hindi nakapag bayad ang nang utang.
Karamihan sa mga banko ay nag ooffer ng loan, laking tulong talaga nila kapag kailangan mo ng pera o gusto mong magtayo ng negosyo. Pero hindi lahat pwede makapag loan sa banko, dahil may mga requirements din sila na kailangan ma meet ng uutang ng sa ganon ay makapag loan sa banko. At tandaan kung mang uutang, kailangan ay marunong din tayong magbayad.
Anong banko nga ba ang pwede mag apply ng cash or personal loan? Ang pwede mong subukan ay ang Security bank loan, dahil kahit online lang ay pwede ka nang mag submit ng loan application. Ibig sabihin ay hindi mo na kailangan pumunta sa mismong banko para mag apply ng loan.
Security bank loan details:
- Ang minimum amount na pwede mong i loan ay 30,000 pesos.
- Ang maximum loan amount naman ay 2,000,000 pesos (2 million)
- No credit card required.
- Ang payment terms ay up to 36 months (3 years)
- Ang approval time ay inaabot lamang ng 5 working days.
- Ang APR o Annual Percentage rate begins at 29.48% up to 37.53%
Eto ang sample computation once na mag loan ka sa security bank:
Kunwari ang loan amount na iyong inavail ay 50,000 pesos and payment terms na 12 months na may 29.48% Annual Percentage Rate (APR), ang iyong monthly payment ay 5,110 pesos.
Kung i susumatotal, 5,100 pesos montly payment x 12 month = 61,320 pesos. Ibig sabihin lamang neto, na ang interest ng 50,000 pesos sa loob ng 12 months ay 11,320 pesos. Sobrang baba hindi ba?
Eto ang mga fees and charges once approved ka sa security bank loan.
- Processing fee na 2,000 pesos.
- 125 pesos - Notarial fee para mga nag loan ng 100,000.01 up to 500,000 pesos. 150 pesos naman sa mga 500,000.01 to 1 Million ang loan amount.
Ano nga ba ang requirements para makapag apply ng cash loan sa Security bank?
1. Kailangan ay 21 years old hanggang 65 years old lamang ang pwedeng mag apply ng cash loan sa Security bank.
2. Kailangan ay Filipino Citizen.
3. Kailangan ay mayroon kang office landline or Residential landline.
4. Kailangan din nga 1 valid government ID.
List of accepted IDs
Primary ID (1 only)
- Driver's License
- NCDA ID
- GSIS Card
- MARINA ID
- Integrated Bar of the Philippines
- Passport
- ACR/ICR
- PRC ID
- Postal ID
- Senior Citizen Card
- School ID
- UMID
- SSS ID
- National or Philsys ID
- Voters ID
Secondary ID (atleast 2)
- TIN ID
- Seaman's Book
- Postal ID
- Pag ibig Loyalty Card
- Police Clearance
- OFW ID
- OWWA ID
- NBI Clearance
- GOCC ID
- Company ID
- DSWD Certification
- City Health Card
- Barangay Certification
5. Kailangan din na magsubmit ng 1 income documents.
Kung employed;
- Latest Income Tax Return (ITR)
- Latest 1 month payslip
- Certificate of Employment (issued within 6 months)
Kung self-employed;
- Previous year ng iyong Audited Financial Statement.
- DTI Certificate or SEC Registration.
- Business or Mayor's Permit.
- Latest 3 months bank statement.
- Latest GIS
6. Amount ng iyong gross monthly salary or income.
Kung employed;
- atleast 15,000 pesos sa mga taga Metro Manila.
- atleast 12,000 pesos naman kung labas ng metro manila ang location.
Kung self-employed;
- Kailangan ay atleast 2 continous years nang nag ooperate ang iyong business.
- Atleast 30,000 sa mga taga Metro Manila, 25,000 pesos naman sa ibang mga lugar.
Paano nga ba mag apply ng cash or personal loan sa Security bank?
Kung balak mong mag submit ng loan application online gawin lamang ang mga sumusunod;
1. I download ang Zuki app (SB Finance) pumunta lang sa Google playstore at i search ang Zuki app, at iinstall ito.
2. I open ang zuki app, at mag register dito, pwedeng mag create ng account gamit lamang ang iyong email at ang pinaka madali ay gamitin ang iyong mobile number.
⚠️Tandaan: ilagay ang tama at ang iyong totoong info, once fake info ang iyong ilalagay ay panigurado ay declined ka.
Mag upload ng 1 primary valid government ID na nabanggit sa taas at magselfie for verification purpose. Panatilihing malinaw ang picture ng iyong id at ang iyong selfie nang sa ganon ay hindi na magpabalik balik ang agent para magrequest ng mas malinaw na kuha, dahil minsan iyon ang isa sa mga reason kung bakit tumatagal ang pag process ng loan.
3. Dahil cash o pera ang iyong kailangan, i select lamang ang Personal loan o kaya naman ay pwede din ang Hooloogan.
4. Kapag nakapili na ng loan product na iyong aapplyan, ay i click lamang ang apply now.
5. Maghintay lamang ng updates via text or email galing sa security bank, kadalasan ay inaabot lamang ng 5 days (business days) ang processing time ng security bank loan.
![]() |
photo form pexel.com |
Kung balak mo namang mag submit ng loan application sa mismong banko (security bank brances) ay gawin lamang ang mga sumusunod;
1. I download ang security bank loan application form, i print at sagutan.
⚠️Tandaan: panatilihing huwag bura bura ang iyong sagot sa form, kailangan ay malinaw din ang details at hindi fake info. Dahil mababa ang chance na approve ang loan once fake info ang ilalagay.
2. Dalhin ang mga sumusunod na requirements sa pinaka malapit na security bank branch sa inyong lugar.
kung employed.
- Signed application form
- 1 valid government ID (tignan sa taas listahan)
- Proof of income (ITR, 1 month payslip or COE)
kung self employed
- Signed application form
- 1 Valid government ID
- DTI/Sec registration
- Mayor's or Business permit
- 3 months bank statement (latest)
- GSIS (latest)
3. Once na submit mo na ang lahat ng requirements, ay maghintay lamang ng tawag o email galing sa security bank regarding sa iyong loan kung may kailangan pang i submit, kailangan i confirm at pang huli kung approved kaba or hindi.
Magkano ang penalty fee once madelay bayaran ang monthly due?
- ang penalty fee ay 3% lamang for the whole month.
Tags:
Loan