Paano mag apply ng loan sa BDO?

Paano mag apply ng loan sa BDO?


Paano mag apply ng loan sa BDO?


Minsan sa buhay ng tao ay di talaga maiiwasan ang pagkaubos ng pera, sa mga kadahilanang tumataas ang mga bilihin, kuryente pati narin mga pagsubok na biglang dumadating na kinakailangang gamitan ng pera, andiyan ang aksidente, or bayarang hospital bill. Sa mga pangyayaring yun tayo nakakapang utang ng pera sa mga kakilala, kaibigan, pamilya or kung minsan sa mga online lending apps online. Ang mahirap lamang ay kung minsan ay gipit ang ating mga uutangan kaya't hindi tayo makapang hiram sa kanila, sa mga online lending apps naman ay karamihan ay namamahiya kapag na due date ka.

Ang pinaka the best choice talaga na kung saan mang uutang ay ang banko, dahil sa liit ng interest and haba ng payment terms na kanilang inooffer, tiyak na hindi ka mahihirapan sa pagbayad monthly. Mataas din ang loan amount na pwede mong hiramin na pwede rin pang umpisa ng negosyo. 

Anong banko nga ba ang isa sa mga the best applyan ng loan? At ito ay ang BDO, sabi nga sa kanilang tag line "we find ways" kung problemado ka sa pera ay maaring makatulong sa iyo ang BDO. Ang kinagandahan sa BDO ay marami ng brach sa buong Pilipinas, hindi kana mahihirapan maghanap at mapapagod kakahanap ng pinakamalapit na BDO branch dahil tiyak ko na nagkalat na ang mga ito sa lahat ng lugar sa Pilipinas.

BDO loan details;
  • pwedeng mag loan from 10,000 pesos up to 1 million pesos.
  • ang available payment terms ay 6, 12, 18, 24 at 36 months.

Ano ang mga requirements kung mag apply ng loan sa BDO?
  • Kailangan ay atleast 21 to 60 years old ang iyong edad.
  • Kailangan ay ikaw ay Filipino citizen, kung foreigner naman ay dapat ikaw ay residente sa Pilipinas.
  • Kailangan ay employed
  • Pwede din ang self employed ay dapat nag ooperate na ang iyong business sa loob ng 2 years.
  • Kailangan ay mayroon kang office or residence landline / active mobile number.
  • Kailangan ay residente ka kung saan ka mag apply sa bdo branch.
  • Atleast 15,000 ay iyong monthly salary if employed, 35,000 naman sa mga self employed.
Proof of income
for employed
  • Latest Income tax return (ITR)
  • BIR FORM 2316
  • Latest 1 month payslip
  • Certificate of Employment with compensation
  • Copy of the last 2 months statement of credit card kung mayroon man sa ibang banko.
for self employed
  • photocopy of latest income tax return.
  • audited financial statement for the last 2 years.
  • photocopy ng iyong business name registration (DTI or SEC)
  • At ang panghuli ay ang latest 3 months bank statement 
Tulad sa ibang bank, kailangan din ng valid government ID.

List of accepted ID's.
  • Driver's licence
  • TIN ID
  • SSS ID
  • Passport
  • GSIS ID
  • Philsys or National ID
  • UMID ID
  • Postal ID
  • PRC ID
  • Philhealth Card
  • Voters ID
For foreigners;
  • Copy of Employment Contract (COE)
  • Letter galing sa official Embassy
  • Valid Visa and work permit
  • Alien Certificate od Registration (ACR)
  • Immigrant Certificate of Registration (ICR)
  • Valid passport.

Eto ang interest rate table:
Paano mag apply ng loan sa BDO?

Eto ang sample computation ng kahit papano ay magkaidea kung magkano ang interest rate.

Paano mag apply ng loan sa BDO?

Kunwari ang loan amount na iyong niloan sa bdo ay 20,000 pesos at ang payment terms na iyong pinili ay 12 month or 1 year, ang monthly interest rate ay 1.25% bale ang iyong monthly payment ay 1,916.75 pesos. 

Kung ito-total lahat, 1,916.75 x 12 = 23.001 so ang interest ng 20,000 pesos ay 3,001 pesos lamang. Sobrang baba kumpara sa ibang banko.


Paano na nga ba mag apply ng loan sa BDO?

Kung gusto mong mag apply ng loan sa BDO ay nakapadali lang ng proseso, at ito ay ang mga sumusunod;

1. Pumunta lang sa pinaka malapit na branch ng BDO sa inyong lugar. 

2. I ready ang mga requirements na nabanggit sa taas. 

3. I fill out ang loan application form na ibibigay sayo, sagutin lamang ng tama ito and kung maiwasan ay huwag bura bura. 

4. Once na natapos mo na itong i fill out ay isuit na ito sa customer service representative kasama na pati ang mga requirements na nabanggit sa taas.

5. Maghintay lamang ng updates galing sa BDO via email or text. 


Eto ang mga fees and charges once na approved ang iyong loan sa BDO.

  • Mayroong processing fee na 1,300 pesos.
  • Penalty fee na 5% ng iyong montly due amount.
  • 1.50 for every 250 na approved loan amount.
  • At ang panghuli ay 5% installment processing fee ng iyong total outstanding principal balance. 

Post a Comment

Previous Post Next Post