Paano mag loan sa Gcash Gredit?

Paano mag loan sa Gcash Gredit?

Paano mag loan sa Gcash Gredit?


Karamihan siguro sa atin ay may gcash account na, dahil sa napaka laking tulong neto sa ating pang araw araw. Ginagamit natin ang Gcash app sa pagbayad ng bills, pag bili ng load, sa savings din natin at kung anu ano pa. 

Ang kinagandahan ng Gcash app ay hindi mo na kailangan ng internet promo para magamit ito, kung TM & Globe subscribers ka ay hindi mo na kailangan pa ng internet promo dahil libre lamang ito para ma access ang app. 

Pero alam mo ba na hindi lang pag buy ng load or pagbayad ng bills ang Gcash app? Dahil may bagong features ngayon ang Gcash at ito ay ang Gcredit, kung familiar ka sa credit line na inooffer ng mga banko ay parang ganto lang din ito. 

Pahirapan kadin bang mag apply or makakuha ng credit card sa banko dahil sa requirements na hindi mo maipasa? Huwag kang mag alala kung gusto mong mag ka credit card ay pwedeng pwede sayo ang Gcredit na bagong features ng Gcash app.

Ano ba ang Gcredit loan sa Gcash app?


Ito ay ang bagong features ng Gcash app kung saan may i ooffer sayong amount ang gcash na pwedeng gamitin sa pagbili ng mga gamit sa mall, pag order ng mga pinapangarap mong gamit sa online shop, mag order ng food at kung anu ano pa.

Para lang tlagang credit card ito, ay kinaibahan ay via mobile phone ito which is ang Gcash app, hindi tulad sa mga banko na card ang gamit. Pwede mong gamitin ang iyong credit limit anywhere you want gamit ang app, lalo na ngayon pwede na magbayad sa mga mall & stores via code na pwedeng iscan gamit ang Gcash app. 

Magkano ba ang interest kung mag loan sa Gcredit?


Ang interest rate sa Gredit ay 5% lamang, sobrang baba hindi ba? Kaya pwedeng pwede ito gamitin kung may emergency na kailangan mong bayaran tulad ng electric, water or internet bill. 

Eto ang sample computation ng interest para magkaroon kayo ng idea.

Kunwari ay nag order ka sa online shop gamit ang iyong credit amount sa Gcredit Gcash app, at nagkakahalaga ito ng 200 pesos at babayaran mo ito after 5 days lang.

200 pesos (na ginamit mo) × 5% × 5/30 = 1.67 pesos

Para ma settle ang iyong Gcredit balance ay kinakailangan mong magbayad ng 201.67 pesos. Tandaan, na pwede mong gamitin ng buo ang iyong credit limit amount. Panatilihin lang bayaran din ng buo para hindi na tumaas pa ang iyong interest na kailangan bayaran.

Pero di lahat sinuswerteng maofferan ng Gcredit ng Gcash app, dahil bukod sa dapat fully verified ang iyong account kung hindi naman mataas ang iyong Gscore or Credit score ay mababa ang chance mo na maging qualified ka for Gcredit. Isa ang Gscore sa tinitignan ng Gcash team kung qualified ba ang kanilang user para offeran ng Gcredit.

Paano i check ang Credit Score sa Gcash app?

Napakadali lamang mag check ng credit score sa gcash app,


Paano mag loan sa Gcash Gredit?


Pumunta lang sa gcash app, I click ang profile sa baba. 


Paano mag loan sa Gcash Gredit?


Hanapin ang GScore at i click lamang ito at lalabas na kung anu ang score mo na. 


Paano mag loan sa Gcash Gredit?



Paano nga ba pataasin ang iyong Gcash Credit score or Gscore?

Madali lang ang mga paraan para maging qualified ka for Gcredit sa gcash app, eto ang ilan sa mga sumusunod:

1. Use Gcash app regularly

- maging aktibo lang sa pag gamit ng Gcash app.

2. Cash in 

- laging mag cash in (pwede yung itransfer mo lamang ang amount na gusto mo from your bank to your gcash account, considered as cash in na iyon) 

3. Pay QR

- Kung nasa mall ka naman or kahit saang merchants, gamitin mong pangbayad ang iyong gcash app, i scan lamang gamit ang Pay QR sa iyong gcash, tiyak na mapapataas neto ang iyong credit score.

4. Pay Bills

- isa din itong paraan para mapataas ang iyong credit score, gamitin ang gcash app sa pagbayad ng bills tulad ng electric, water, internet bill, loan at kung anu ano pa.

5. Invest

- Isa din ito sa paraan para tumaas ang iyong gscore or credit score sa gcash app, bagong features din ito ng gcash app kung saan pwede kang mag invest, kung may nakatabi kang pera ay mas mabuting iinvest mo ito sa gcash app dahil may chance na lumaki pa ito at lumago.

6. Save

- At ang panghuli ay ang Save, bagong features din ito ng gcash app at parang invest lang din ito, may chance na lumaki ang iyong savings. At isa rin itong paraan para tumaas ang iyong credit score sa gcash app.

Post a Comment

Previous Post Next Post