Paano kumita sa Tala Lending Loan app?
Kasalukuyan kabang mayroong loan sa Tala app? Ang problema ay malapit na ang iyong due date pero wala kapadin nahanap ng pambayad? Isa ito sa mga problemang kinakaharap ng mga nang utang sa mga lending app, ilang araw lang ang payment terms, napakataas pa ng interest. Pero ibahin mo ang Tala lending loan app dahil pwedeng 2 months ang payment terms na iyong i seset, hindi tulad ng sa ibang online lending app ay kadalasan ay 7-15 days lamang, napakalaki pa ng interest.
Mabalik tayo sa iyong problema, namomroblema kaba sa iyong Tala lending loan mo dahil malapit na ang iyong due date at wala ka pa din nahahanap na pambayad? Huwag kang mag alala, dahil ang Tala lending loan app ay may referral program kung saan aalukin mo lang ang mga kaibigan, kakilala or kahit sino man na wala pang current loan sa tala na mag loan dito, ganun lang kasimple. Every person na i rereffer mo ay magkakaroon ka ng 200 pesos. Bale ang ma eearn mo ay matic na ibabawas sa current loan mo.
Halimbawa,
Ang current loan amount mo na need bayaran ay 3000 pesos, at may narefer kang limang (5) kaibigan.
5 x 200 = 1000 (kabuuan ng iyong ma eearn sa 5 na person na marereffer mong mag loan sa Tala lending loan app)
3000 (current loan mo) - 1000 (na earn mo sa referral friends mo)
= 2000 pesos nalang iyong babayaran sa loan mo.
Sobrang laking tulong hindi ba? 3000 pesos ang naloan mo, tpos 2000 pesos nalang ang babayaran mo, edi kung iisipin mo kumita ka ng 1000 pesos. Laking tulong nadin yun sa pang araw araw na bilihin.
Tandaan:
Hindi porket nag sign up ang iyong mga referral friends ay automatic na magkakaroon kana ng 200 pesos, kailangan para makuha ang 200 pesos ay nakapag loan ang iyong referral at nakapag bayad din ito sa kaniyang loan. Ibig sabihin, kailangan magbayad ng loan ang iyong ni refer. Kung hindi siya nakabayad ay hindi mo marereceive ang 200 referral amount.
Pano nga ba mag refer para kumita sa Tala?
I open lamang ang Tala lending loan app, kapag nasa homepage kana ng tala app, ay hanapin lang ang "Earn PHP 200" at i click ang Get started, tignan ang picture sa baba.
I share mo lang ito sa iyong mga kaibigan, pwede din fb page or group kung mayroon ka para more chances na maka refer ka ng madami. Kailangan lang nilang gamitin ang iyong invitation code para maka receive ka ng 200 pesos. Ganun lang ka simple.
Kung makikita mo sa picture sa baba, ang total friends na na refer ko na ay 16. May isa ng nakapag bayad ng loan, at yung 200 pesos na earnings ay nagamit ko na. Hihintayin ko nalang magbayad yung 15 pa,
15 x 200 = 3,000 pesos.
Kitams, 3000 pesos din yun, kung 4000 ang current loan amount ko ngayon edi 1000 nalang babayaran ko. Sobrang laking tulong talaga ng referral program ng Tala lending loan app na to. Kaya hindi masisi ang mga tao kung tinatawag nila itong no. 1 best lending app in the philippines.
Paano malalaman kung nagbayad na ng loan ang iyong nirefer na kaibigan?
Minsan sa sobrang busy natin, hindi na natin masyado nabubuksan yung Tala lending loan app para i check kung ano ang status ng iyong loan, kung may nagbayad na ba ng loan sa mga nirefer mo or kung anu man. Nung minsan sa tagal kong di inopen yung Tala lending loan app, pag ka open ko may nag pop up na congratulations daw, hindi ko na nabasa yung message, nalimot ko na. Basta nung pagkacheck ko sa earning tab ko sa referral meron ngang 200 pesos amount, and used dahil nagamit ko nga pambayad, automatic na i babawas yung earning mo sa current loan mo.
Mag tetext din pala ang Tala lending loan app pag may earnings kana, automatic na nafaflag ang message ni Tala as spam, kaya need mo alisin sa spam list si Tala.
ayan ang text message na nareceived ko kay Tala, naka earn daw ako ng 200 dahil nakapag bayad yung nirefer ko na kaibigan sa kanyang loan.
Kung gusto mong kumita and maka earn ng madami, invite lang ng invite dahil wala naman limit si Tala Lending loan app kung ilan lamang ang pwede mong i invite.
TIPS: i post sa social media tulad ng fb page or groups ang iyong referral code para more chances na may marefer ka.