How to stop harassments from OLA or Lending apps?
Kasakuluyan kabang nakakatanggap ng mga harassments galing sa mga makukulit at pasaway na Online lending apps or mas kilala bilang Online Loan Sharks? Hindi mo na alam ang iyong gagawin? Huwag kang mag alala, sa post na ito ay ituturo kahit papano para hindi kana mastress and ma stop ang harassment na iyong natatanggap sa mga pasaway na lending app company.
Grabeng mangharass ang mga loan sharks sa Pilipinas, hilig nilang mag text blasts, mamahiya sa mga social media at ang matindi ay ang mga death threats. Sino nga ba naman ang hindi ma sstress kung araw araw mong marereceive ang kanilang pang haharass? At ang nakakalungkot lang ay may mga hindi nakanayan at naiisipan na gawin ang hindi dapat gawin dala ng stress galing sa panghaharass ng mga makukulit at ilegal na lending apps or Shark loans.
Minsan sa buhay hindi talaga maiwasan na maubusan or mashort tayo pag dating sa pera, napakahirap ng ganong pangyayari lalo na't hindi mo na alam kung saan ka kukuha ng pera pambili ng pang araw araw na pagkain, pang gastos at kung anu ano pa. Kaya napipilitan minsan tayong mang utang sa mga online lending apps na available sa Google play store. Pero hindi lahat ay illegal, mayroon padin namang mga legit at hindi nanghaharass na online lending apps.
Legit at hindi nanghaharass na Lending apps
1. TALA
- Based on my own experience, hindi ganun kataas magloan sa tala app, at biruin mo iyon? 2 months ang payment terms, pangatlong loan ko na sa kanila. At ang amount na inoffer nila ay 3,000 pesos for 2 months payment terms. At ang interest ay 915 pesos. Bale ang kabuuan na babayaran ko ay 3,915 pesos lamang. Diba? Sobrang baba! at hinding hindi ka mapepressure dahil 2 months ang payment terms, di tulad sa ibang lending apps na 7-15 days lang ang payment terms anlaki pa agaf ng interest.
2. Billease
- Based din ito sa own experience ko, ang first loan amount na inoffer sa aking ng billease ay 4,000 pesos at ang amount na nareceive ko ay 3,600 pesos. Bale 400 lang ang interest, sobrang baba din diba? At ang kinagandahan ng Billease ay 3 months to pay siya, 1k+ per month. Hinding hindi ka rin ma pe-pressure di tulad sa ibang lending apps na kailangan mong bayaran ang loan mo within 7-15 days lang.
Nadelay ako magbayad nung 2nd month ko sa Billease, anong nangyare? Naharass bako?
Ang sagot ay hindi, nakareceive ako ng email na due date ko na and need bayaran amount na nakalagay sa email, e saktong wala akong pera that day dahil nagamit ko ang pera sa pambili ko ng gamot dahil naoperahan ako, ang ginawa ko ay nag reply ako sa kanilang email at inexplain ang nangyare kung bakit hindi ako makakabayad, at laking gulat ko na nagreply sila na naiintindihan nila ang pangyayare. Ang kinagandahan pa ay tinanong nila ako kung kelan ko pwedeng bayaran at magpapatong nalang sila ng interest. Kung tinanong nalang din kayo kung kelan kayo makakabayad, i check nyong mabuti ang calendar kung kelan kayo talaga magkakapera para mabayaran mo ang loan mo.
Nag tetext blast ba sila?
Hindi, never ako na text blast sa Billease, hindi din nila hinarass ang contact list ko. Kaya super bait talaga ng mga agent ng Billease!
Ano ba ang Loan Sharks?
Ito ay ang mga online lending apps na nagpapatong ng mga malalaking interest % na hindi makatarungan, at mas matindi pa ay nanghaharass ng mga customer, sobrang pamamahiya at sagad sa butong death threats.
Paano nga ba nila nakukuha ang ating mga contacts sa ating mga cellphone? Yun yung time na iniinstall natin ang mga lending apps, once na inallow mo yung call & phone permission na pupull nila yung mga contact list sa ating mga cellphone. Wala naman tayong choice kundi i allow ang permission dahil nag aapply ka nga ng loan, kung hindi mo ito i aallow ay hindi ka magpoproceed or malabong maapproved ka nila for loan.
Paano nga ba makakaiwas sa Harassment ng mga OLA or Loan sharks app?
Makukulong kaba kung hindi ka magbabayad ng utang?
Ang sagot diyan ay hindi, walang nakukulong dahil lamang sa utang. Kung nakakareceive ka ng text galing sa makulit na online lending app na may ipapadala daw sila ng complaint or subpoena galing korte ay huwag kang maniwala, dahil sila nga nagtatago dahil sa ilegal na gawain nilang panghaharass at pagpatong ng malalaking interest, tapos papakita sila? Napaka imposible nun.
Tinext blast ang mga contact list ko sa phone, ano ang aking gagawin?
Sa part na to, medyo nakakahiya nga pero huwag kang mag alala, i explain mo lang sa mga kaibigan mo or kung sino man ang nasa contact list mo na na scam or navirus ay iyong phone at nakuha nila ang contact list mo, i explain mo sa kanilang mabuti. Maiintindihan ka nila, kung hindi atleast diba nalaman mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan.
Sa isang sikat na vlogger sa youtube na nagexplain sa mga loan sharks, ay may isa umanong loan agent na nakonsensya at ibinuko ang kalakaran or ginagawa nilang panghaharass once na hindi magbayad ang iyong tao. Ibinuking niya na 3 - 6 months ay hindi na daw sila nanghaharass dahil natabunan na ng mga bagong account sa dami ng nagloloan sa kanila. Kaya huwag kayong mastress diyan kakaisip kung anong gagawin.
Maya't maya ang tawag sa phone, ano pwede gawin?
Tawag din ba sila ng tawag maya't maya? Huwag kang matakot, dahil ang ibang tumatawag ay bots lang or recorded lang. Mayroon ding paraan para i block ang mga tumatawag, i check mo lang sa phone setting. Nakakatulong ito para mabawasan ang iyong pag alala.
Namamahiya din ba sila sa Facebook?
Sa aking pagbabasa sa mga fb groups and pages, may mga pinahiya mga sa fb groups dahil lamang sa hindi pag bayad at yung iba ay na delay lang ng isang araw, ang ginagawa nila ay pinopost ng mga shark loan agents ang selfie or picture ng mga nang utang sa kanila at ipinapalabas na scammer sila. Sino nga ba naman ang hindi masstress kung ang iyong picture ay kinakalat sa mga fb groups at sinasabihan na scammer umano? Huwag kang mag alala, dahil ang karamihan sa mga tao ngayon aware sa mga shark loans online. At tsaka ang mga agent na nagpopost ay gamit ay ang mga dummy or fake accounts, sino ba naman maniniwala sa kanila dba?
May nabasa pa ako, ang ginawa daw ng shark loan agent ay gumawa ng isang group chat at inadd daw doon ang mga fb friends nya andun nya sinend na scammer daw siya. Paano nga ba maiiwasan na makuha nila ang iyong mga fb friends? May bagong feature ngayon ang facebook na pwede mong i lock ang iyong profile, once na naka lock ito ay hindi nila makikita ang iyong personal information, mga naka public na post at pati narin ang iyong mga friends. Ang pwede lang gawin ay i message ka or i add ka as friend.
Tandaan:
Kung magbabayad kana at nagsend lang ng mobile number or gcash number, ay wag mong ituloy magbayad sa number na yun, dahil ang iba ay nang sscam lang din. Papalabasin nila na doon mo i tatransfer ang iyong bayad, pero hindi naman pala iyong parte ng lending app na inutangan mo. Kung anu ang iyong account number sa iyong loan ay iyon padin dapat ang iyong gagamitin sa pagbayad.
Konklusyon:
- Huwag mang utang kung wala namang pambayad.
- Huwag madepress kung nakakareceive ka ng harassments dahil ilegal ang mga ginagawa nila sa laki ng interest at panghaharass na ginagawa nila.
Tags:
Loan