Ano nga ba ang Maya application?

Tila ba bago pa sayong pandinig ang Maya application? Kung titignan ang kanilang logo lamang, tiyak na magtataka ka kung anu nga ba ang application nato, alam mo ba na ang Maya app ay dating Paymaya app? Oo tama ka ng iniisip, nag iba lamang sila ng Brand name, logo at design ng kanilang app.
Logo:
Sa kanilang logo, ang kaliwa ay ang dati nilang brand name "Paymaya" na may kulay puti at berde. Anlayo sa kanilang baong logo ngayon na sobrang simple, text lang at wala ng logo sa taas. Ikaw anong say mo sa kanilang bagong logo?
GUI (design):
Pati narin ang GUI ng app, iniba rin. Ang kaliwa sa picture ay ang dating paymaya app, ang kanan naman ang bagong maya app. Para sa akin mas simple ng bagong design. Napaka minimalist tignan. Pati ang ginamit na font ay napakaganda din sa mata.
Kung wala kapang idea kung paraan ba ang Maya app? Anong pwede gawin dito? Eto ang ilan sa mga sumusunod:
Ang Maya app ay isang online wallet kung saan pwede mong gamitin tulad din ng bank. Alternatibong saving account lalo na kung hindi ka makapag open ng saving accounts sa mga banko dahil sa dami ng requirements na kailangan. Kung wala ka din valid ID, pwedeng pwede kang mag open ng savings account sa Maya applicatio. Pero ang tanong, safe ba gamitin ang Maya app? Ang sagot diyan ay, Oo! dahil regulated ang Maya app ng Banko Sentral ng Pilipinas.
Kung wala kapa at interesado kang gumawa ng iyong maya account, register now!
Hindi lang pang save ng pera ang Maya app, dahil pwede karin ditong bumili ng crypto coins kung may alam ka sa crypto currency. Bagong features ito ng Maya app.
Eto ang ilan sa mga Crypto currency na pwedeng mong bilhin o laruin sa maya app.
- BTC (Bitcoin)
- APE (ApeCoin)
- Matic (Polygon)
- AVAX (Avalanche)
- ETH (Ethereum)
- Link (Chainlink)
- ADA (Cardano)
- SOL (Solana)
- XLM (Stellar)
- Algo (Algorand)
- DOGE (Dogecoin)
- UNI (Uniswap)
- QNT (Quant)
- USDT (Tether)
Kung wala pa sa listahan ang iyong gustong at alam na cryptocurrency ay huwag kang mag alala dahil beta version palang ito ng Maya app.
Kung trip mo namang mag buy ng load ay pwede din dito. Eto ang listahan ng mga operator na pwedeng iload sa maya app.
- Smart
- Globe
- TM republika
- Dito
- Smart home wifi
- Talk and Text
- PLDT
- Cherry prepaid
Ang kinagandahan sa Maya app, ay may 10-20% cashback once na mag load ka, isipin mo yung kung lagi ka nag loload dito ay may chance na makaipon ka ng malaking amount para magamit din pag magbubuy load ka ulit.
Di lang yan dahil pati na din ang mga online games, pwedeng mag load dito. Eto ang listahan ng mga games:
- Valorant
- Mobile Legends
- Steam Vouchers
- Razer Gold
- Blizzard
- Cherry Credits
- Dragon Nest
- Dragon Raja
- Game Club
- Garena Shells
- Lol Wild Rift
- Light of Thel
- Life After
- Legends of Runeterra
- Minecraft
- MU Origin
- Nintendo
- Playpark
- Ragnarok
- Roblox
- Rules of Survival
- Xbox
Pwede din itong pambayad sa mga food delivery services tulad ng:
- Angkas
- Grab
- Beep
- FoodPanda
- Jolibee
- McDonalds
- 7 Eleven
- Greenwich
- Dakasi
- S&R
- Burger King
- KFC
- Yellow Cab
- Red Ribbon
- Goldilucks
- Pizzahut
- Angels Pizza
- at iba pa.
Pwede din gamiting ang Maya application kung hilig mong mag shopping online, pwede itong pambayad sa mga sumusunod:
- Lazada
- Shein
- Shopee
- Daiso Japan
- Handyman
- Robinson Department Store
- Shopwise
- The SM Store
- ToysRUs
- Travel Club
- Zalora
- Western Appliances
- Southstar Drug
- Sneek peek
- Rox
- Res Toe Run
- Push kart PH
- Pet Lovers Centre
- Chicco
- Beauty MNL
- Bratpack
Ang gusto ko din sa Maya app, ay pwede ka din mag open ng savings account na pwedeng maka earn ng 6% interest p.a. Diba? Nagsasave kana, lumalaki pa ang iyong pera. Ang ganda ng app na to, sa isang app lang ay marami kanang pwedeng magawa. Kahit saan, kahit kailangan ay pwede mong gamitin ang maya wallet app na to.
Sa bagong features ng Maya app, ay pwede ka din mag apply ng loan. Lalo na sa panahon ngayon, minsan hindi natin maiwasan makapos sa pera dahil sa taas ng mga bilihin at patuloy na pagtaas ng electric, water, internet bill at iba pa.
Hindi lang yan, kung bored ka at gusto mong mag libang ay may games din sa maya app kung saan pwede kang manalo ng mga cash prizes.
Kung pahirapan kang mag open ng savings account sa banko sa kadahilanang wala kang valid ID's or hindi nakapangalan sayo ang proof or records, pwede mong gamitin ang Maya application kung gusto mong mag save ng pera. Recommended ito sa mga estudyante na gustong mag ipon, saka kana mag open ng savings account sa banko kapag kumpleto na ang iyong requirements.
Tags:
Applications